KABANATA 38 - ANG PRUSISYON



Ang unang santong lumitaw, nang hindi malaman kung bakit, ay si San Juan Bautista. Pagkamalas sa kanya ay masasabing ang kabantugan ng pinsan ng ating Panginoong Jesucristo ay hindi mabuti ang kalagayan sa tao; tunay nga at siya ay may mga paa at hitang dalaga at mukhang anacoreta,[8] ngunit nakalagay sa isang lumang andas na kahoy at nadidiliman siya ng ilang bata na may mga dalang parol na papel na walang ilaw, na di-nagpapahalatang nag-aaway-away.
“Sawing kapalaran!” ang bulong ng pilosopong si Tasyo na nasa daan at nanonood ng prusisyon, “walang halaga ang iyong pagiging unang tagapagbalita ng mabubuting Bagong Aral, ni ang pagkakayuko ni Jesus sa iyong harapan! Walang halaga ang malaki mong pananalig, maging ang iyong mga pagtitipid, maging ang iyong pagkamatay nang dahil sa katotohanan at iyong mga paniniwala: ang lahat ng iyan ay nililimot ng mga tao kapag walang taglay kundi ang pagiging makasarili! Mabuti pa ang bumigkas ng masasamang sermon sa mga simbahan kaysa maging matatag na tinig na nangangaral sa ilang, ito ang itinuturo sa iyo ng Pilipinas. Kung pabo sana ang iyong kinain at hindi balang, gumamit ng kasuotang sutla at hindi balat ng hayop, kung sumapi ka sa isang Corporacion…” Subalit pinigil ng matanda ang kanyang sariling pasaway sapagkat dumarating ang rebulto ni San Francisco.


KABANATA 38 - ANG PRUSISYON

No comments:

Post a Comment