KABANATA 17 - BASILIO



Si Crispin ay nanginginig at ang luhaang mata ay palinga-linga sa lahat ng sulok na parang may hinahanap na tao o mapagtataguan. Hinarap siya ng kura at galit na galit na siya ay siniyasat at sumagitsit ang yantok. Ang bata ay nagtatakbong nagtago sa likuran ng sakristan, subalit sinunggaban siya nito, hinawakan at inialay para sa galit ng kura: ang kahabag-habag na bata ay pumipiglas, nagtatatarang, nagsisisigaw, nasubsob sa sahig, gumulong, bumangon, nagtatakbo, nadulas, nalugmok at sinasangga ng bisig ang mga palo, na kung masaktan ay umuungol na ikinakanlong agad. Nakikita ni Basilio ang kanyang pag-aalumpihit, ipinapalo ang ulo sa sahig, nakikita at naririnig ang haging ng yantok. Nang ang kanyang kapatid ay wala nang malamang gawin ay bumangon; nang baliw na sa sakit ay sinalakay ang mga berdugo at kinagat sa kamay ang kura. Ito ay napasigaw, nabitiwan ang yantok, binigyan ng saksritang mayor ng isang palo sa ulo at ang bata ay nalugmok na walang diwa; nang makita ng kura na siya ay nasugatan ay pinagtatadyakan ang bata, ngunit ito ay hindi na nagtatanggol, hindi na sumisigaw; gumugulong sa lupa na parang tiniban na nag-iwan sa madaanan ng isang basang bakas…

Kabanata 17 - Basilio: Ang Buhay ay Pangarap

No comments:

Post a Comment