“Kami ay nanood ng itinanghal, kilala na ninyo ang ating mga artistang sina Ratia, Carvajal at Fernandez, kami lamang ang nakabatid ng kanilang mga kainamang kumilos sapagkat ang mga hindi ilustrado ay walang alam kahit na maliit sa gayon. Sina Chananay at Balbino ay mabuti kahit na namamalat nang kaunti: itong isa ay nakabitiw ng isang pagpiyok subalit sa kabuuan at pagsisikap ay kahanga-hanga. Ang mga Indio, lalung-lalo na ang kapitan sa bayan ay nalugod na mabuti sa komedyang Tagalog: ang kapitan ay nagkukuyumos ng dalawang kamay at ang sabi sa amin ay sayang daw at hindi pinalaban ang prinsesa sa higanteng umagaw sa kanya, bagay na sa kanyang akala ay lalo pang naging kahanga-hanga sana, at lalo pa kung ang higante ay hindi sana tinatalaban kundi sa pusod lamang, gaya ng isang nagngangalang Ferragus na sinasabi sa kasaysayan ng Doce Pares.[11] Ang kagalang-galang na si Pray Damaso, dala ang kagandahang-loob na kanyang ikinatatangi ay sumasang-ayon sa kapitan at ang dugtong pa ay kung nangyari sana ang gayon ay bahala nang humanap ang prinsesa ng paraan upang makita ang pusod ng higante at bigyan sa lugar na iyon ng pamatay.”
KABANATA 28 - SULATAN
KABANATA 28 - SULATAN
No comments:
Post a Comment