KATAPUSAN



Marami pa ang nabubuhay sa mga tao ng salaysay na ito, at dahil sa nawala sa aming paningin ang iba, ay imposible na makagawa ng isang tunay na katapusan. Sa kagalingan ng mga taong-bayan ay malugod naming pagpapapatayin ang lahat ng taong nabanggit dito; sisimulan kay Padre Salvi at tatapusin kay Donya Victorina, ngunit imposibleng mangyayari ang gayon… mabuhay sila! Dahil kami rin naman, at ang bayan ang siyang magpapakain sa kanila…

KATAPUSAN

KABANATA 63 - ANG NOCHE BUENA

Sa mataas na bahagi ng dalisdis ng isang bundok, sa tabi ng isang batis na inaagusan ng malakas na tubig, ay nakatago sa mga punung-kahoy ang isang kubo, na balu-baluktot na sanga ang gamit na kahoy. Sa ibabaw ng bubungang kugon ay malagong gumagapang ang kalabasa, na maraming bunga at bulaklak; ang palamuti nito ay mga sungay ng usa, mga bungo ng baboy-damo na ang ilan ay may mahahabang pangil. Doon nakatira ang isang mag-anak na Tagalog na ang ikinabubuhay ay ang pangangaso at pangangahoy.[1] Sa lilim ng isang puno ay ang lolo ay gumagawa ng walis mula mga gulugod ng dahon ng niyog, habang ang isang dalaga ay naglalagay sa isang buslo ng mga itlog, dayap at gulay. Dalawang bata, ang isa ay babae at ang isa naman ay lalake ang naglalaro sa tabi ng isa pang batang lalake na maputla, malungkot, malalaki ang mga mata at malalim kung tumitig, na nakaupo sa isang nakabuwal na puno. Sa kanyang kaanyuang payat ay makikilala natin ang anak ni Sisa, si Basilio, na kapatid ni Crispin.

“Kapag gumaling na ang paa mo,” ang sabi sa kanya ng batang babae, “ay maglaro tayo ng piku-piko, taguan, ako ang taya.”

“Papanhik kang kasama namin sa itaas ng bundok,” ang dugtong ng batang lalake, “iinom ka ng dugo ng usa na pinigaan ng katas ng dayap at tataba ka, at kung magaling ka na ay tuturuan kita ng pagtalon sa mga bato sa batisan.”

Malungkot na napangiti si Basilio, pinagmasdan ang sugat sa kanyang paa, at pagkatapos ay itinataas ang mata sa araw na kumikinang nang buong ningning.

KABANATA 63 - ANG NOCHE BUENA

KABANATA 62 - NAGPALIWANAG SI PADRE DAMASO

Walang naging kabuluhan ang ang nakalagay sa ibabaw ng isang mesa na mga magagandang regalong pangkasal, maging ang mga brilyanteng nasa kanilang mga lagayan na yari sa tersiyopelong kulay bughaw, naging ang mga pinyang may burda, maging ang mga piraso ng sutla ay hindi nakaaakit sa paningin ni Maria Clara. Tinitingnan ng dalaga, na hindi naman nakikita ni binabasa, ang pahayagang nagbabalita ng pagkamatay ni Ibarra na nalunod sa lawa. Biglang naramdaman niya na ang dalawang kamay na tumakip sa kanyang mga mata, pumigil sa kanya, at isang masayang tinig ni Padre Damaso ang tumatanong sa kanya ng: “Sino ako? Sino ako?”

Si Maria Clara ay napatalon sa kinauupan at tinitigan na may malaking pagkatakot ang pari.[1]

“Ulol! Natatakot ka ba? Hindi mo ba ako hinihintay? Galing pa ako sa probinsiya upang dumalo sa iyong kasal.”

At lumapit na nakangiti nang buong lugod at iniabot ang kamay upang hagkan ng binibini. Si Maria Clara ay nanginginig na lumapit at buong galang na inilapit ang kamay sa kanyang mga labi. “Ano ang nangyayari sa iyo Maria?” ang tanong ng Pransiskano na nawalan ng masayang ngiti at nakaramdam ng pangangamba, “malamig ang kamay mo, at ikaw ay namumutla… may sakit ka ba, anak ko?” Nilapitan siya nang buong suyo ni Padre Damaso, suyong hindi iisipin na kanyang tinataglay, hinawakan ang dalawang kamay ng dalaga at ito ay tinanong sa pamamagitan ng tingin.


KABANATA 62 - NAGPALIWANAG SI PADRE DAMASO

KABANATA 61 - ANG PAGHAHABULAN SA DAGAT

“May katwiran kayo, Elias, ngunit talagang ang tao ay isang hayop na sumusunod sa mga kaganapan: noon ay nabubulagan ako, masama ang aking loob, ewan ko ba! Ngayon ay inalis ng kasawian ang piring sa aking mga mata; ang pag-iisa at ang karumal-dumal na kalagayan sa aking bilangguan ay nagturo sa akin; ngayon ay nakikita ko ang kakila-kilabot na kabulukang sumisira sa lipunang ito, na nakakapit sa kanyang mga laman at humihingi ng isang matinding kagamutan. Sila ang nagbukas sa aking mata, ipinatanaw nila sa akin ang sugat at pinilit akong magkasala! At dahil inibig nila ang gayon ay magiging pilibustero ako, ngunit tunay na pilibustero; tatawagin ko ang lahat ng mga nahihirapan, ang lahat noong sa loob ng kanilang mga dibdib ay nakakaramdam na may tumitibok na puso, iyang mga taong nagpasugo sa inyo upang ako’y kausapin…[6] hindi, hindi maaring maging taksil sapagkat kailanman ay hindi taksil ang nakikipaglaban nang dahil sa kanyang bayan! Sa loob ng tatlong daang taon ay iniabot natin sa kanila ang ating mga kamay, hinihingaan natin ng pag-ibig, hinahangad nating matawag silang mga kapatid, ano ang itinutugon sa atin? Mga pagkutya at pag-iring, at halos ayaw tayong kilalaning tao. Walang Diyos, walang pag-asa, walang paglingap sa katauhan; wala na, kundi ang katwiran ng lakas!” Si Ibarra ay nanginginig; ang buong katawan niya’y yumayanig.

KABANATA 60 - MAG-AASAWA SI MARIA CLARA

Labis ang kasayahan ni Kapitan Tiago. Sa kakila-kilabot na panahong iyon ay walang nakagambala sa kanya: hindi siya inaresto at ikinulong na mag-isa sa bilangguan, hindi siya inimbestigahan, ni nailagay sa makina ng elektrisidad, ni naranasan ang mababad ng matagal ang paa sa mga bilangguang nasa ilalim ng lupa, at iba pang kagagawan, na alam na alam ng ilang bantog na ginoong tumatawag sa kanilang mga sarili ng sibilisado.[1] Ang kanyang mga dating naging kaibigang (sapagkat itinakwil na niya ang kanyang mga kaibigang Pilipino mula nang sila ay mapaghinalaan ng pamahalaan), ay ibinalik din sa kani-kanilang mga tahanan makaraan ang ilang araw na pamamahinga sa mga gusali ng pamahalaan. Ang Kapitan Heneral na rin ang nag-utos na sila ay palayasin sa kanyang mga nasasakupang gusali dahil sa inakalang hindi sila nararapat na mamalagi roon,[2] bagay na isinamang lubos ng kalooban ng pingkok, na may balak na magpaskong kapiling ang gayong mga pasasa at masasalaping kasama.[3]

Si Kapitan Tinong ay umuwi sa kanyang bahay na may sakit, namumutla, minamanas, hindi siya naging hiyang sa kanya ang paglalakbay, at siya ay naging ibang-iba na, walang kaimik-imik, ni hindi man bumati sa kanyang kaanak na natatawa, napapaiyak at baliw sa katuwaan. Ang kaawa-awang tao ay hindi na umaalis sa kanyang bahay upang di-malagay sa panganib na makabati sa isang pilibustero. Hindi siya mapagsalita ng anuman ng pinsang si Primitivo kahit na ginamit nito ang buong katalinuhan ng mga tao sa una.[4]

KABANATA 60 - MAG-AASAWA SI MARIA CLARA

KABANATA 59 - ANG INANG-BAYAN AT ANG MGA KAPAKANAN

Ang balita ay lihim na inihahatid ng telegrama sa sa Maynila,[1] pagkatapos na makaraan ang tatlumpu’t anim na oras ay ibinalita na ng mga pahayagan ang nangyari, na binalot ng maraming hiwaga at babala;[2] na ginutay, inayos at dinagdagan ng tagasuri.[3] Samantala naman, ang mga balitang dala ng ibang tao, na galing sa mga kumbento, ay siyang unang palihim na kumalat, na ikinatakot ng bawat makaalam.[4] Ang pangyayari, na nag-iba ng ayos dahil sa ilang libong bersiyon, agad na pinaniniwalaan o hindi ayon sa udyok ng kalooban ng isa’t isa.[5]

Kahit ang katahimikang-bayan ay hindi nagagambala,[6] ngunit parang ang kapayapaan ng mga tahanan ay nahahalo, na gaya ng isang tangke: samantalang ang ibabaw ay walang kagalaw-galaw, ngunit sa ilalim ay nagsisigapang, naglalanguyan at naghahabulan ang mga piping isda. Ang mga krus, mga condecoracion,[7] mga ensigna sa balikat, mga trabaho, kabantugan, kapangyarihan, kahalagahan, kataasan, atbp., ay nagliparan na parang mga paruparo, sa isang ginintuang liparan, ayon sa nakikita ng isang bahagi ng mga mamamayan. Sa isang bahagi naman ay isang madilim na ulap ang pumaitaas, na sa kanyang abuhing kulay ay namumukod na parang maiitim na anino, ang mga rehas na bakal ng kulungan, mga tanikala at marahil ay maging ang nakapangingilabot na bitayan. Parang naririnig ang mga pagsisiyasat, mga kahatulan, ang mga sigaw na bunga ng pagpapahirap; ang Marianas at Bagumbayan ay namamalas na balot ng isang marumi at madugong talukbong:[8] ang mga mangingisda at isda ay nagkakagulo. Sa imahinasyon ng mga taga-Maynila ay inilalarawan ng Kapalaran ang pangyayari, nang kaayos ng ilang pamaypay na galing sa Tsina: ang isang mukha ay may bahid na itim at ang isa ay puno ng burda, matitingkad na kulay, mga ibon at bulaklak.[9]

KABANATA 59 -
ANG INANG-BAYAN AT ANG MGA KAPAKANAN

KABANATA 58 - ANG TAKSIL


Madaliang kumalat sa bayan ang balitang ang mga bilanggo ay iaalis na; sa unang pagkabatid nang balita ay nasindak ang lahat, at pagkatapos ay sinundan ng iyakan at panaghoy. Ang mga kamag-anak ng mga bilanggo ay parang mga baliw na nagtakbuhan: lakad pabalik-balik sa kumbento at kuwartel, sa kuwartel at sa tribunal, at dahil wala silang makitang anumang lunas ay napuno ang paligid ng sigawan at iyakan. Ang kura ay nagkulong sa kanyang silid dahil may sakit;[1] nagpagdagdagdag ng bantay ang alperes na sumasalubong sa pamamagitan ng kulata ng baril, ang mga babaeng nagma-makaawa; ang inutil na kapitan sa bayan ay para higit pang naging walang kabuluhan kaysa dati. Sa harap ng bilangguan ay tumatakbong paikot-ikot ang mga may lakas pa; ang mga pagod na ay nag-upuan sa lupa at tinatawag na lamang ang pangalan ng kanilang mga minamahal.

KABANATA 58 - ANG TAKSIL