KABANATA 35 - MGA USAP-USAPAN



“Ngunit mga ginoo,” ang putol ng kapitan sa bayan, “ano ang magagawa natin? Ano ang magagawa ng bayan? Mangyari na ang mangyayari ay ang prayle rin ang laging nasa katwiran!”[12]
“Laging nasa katwiran dahil lagi nating inaayunan,” sagot ni Don Filipo na may pagkayamot[13] at itinindi ang pagsasabi ng salitang “lagi.” “Bigyan naman natin kahit minsan ang ating sarili at saka tayo mag-usap.”[14]
Ang kapitan ay nagkamot ng ulo, tumingin sa bubong at sumagot nang maasim na tinig. “Ay! Ang init ng dugo. Parang hindi ninyo alam kung saang bayan tayo naroroon; hindi ninyo kilala ang ating mga kababayan. Ang mga prayle ay mayayaman at nagkakasama-sama at tayo ay hati-hati at maralita. iyan nga! Subukan ninyong ipagtanggol siya, makikita ninyong mag-iisa kayo sa kagipitan.”[15]
“Tunay,” ang bulalas ni Don Filipo na may mapait na kalooban, “iyan ang mangyayari samantalang ganyan ang pag-iisip, habang ang pagkatakot at ang pagtitimpi ay magkatulad ng kahulugan.[16] Binibigyan pa natin ng pansin ang isang kasamaang nangyayari sa sandali kaysa kabutihang sadyang kailangan;[17] agad-agad na susungaw ang katakutan at hindi ang pagtitiwala,[18] ang bawat isa ay walang iniisip kundi ang sarili, walang nakakaalaala sa iba, kayat mahina tayong lahat!”[19]
“Siya, alalahanin ninyo ang iba, bago ang inyong sarili, at makikita ninyo kung hindi kayo maiwan! Hindi ba ninyo alam iyong salawikaing Kastila, na: ang tunay na pagkahabag ay dapat magsimula sa pagkahabag sa sarili?”[20]
“Ang sabihin ninyo,” sagot na nagagalit na tinyente-mayor, “na ang tunay na karuwagan ay nagsisimula sa malabis na pagmamahal sa sarili at nagtatapos sa kahihiyan![21] Ngayon din ay ihaharap ko sa alkalde ang aking pagbibitiw sa tungkulin; suya na na ako sa kalagayang itong kakutya-kutya nang hindi naman nakagagawa ng mabuti sa kaninuman… Diyan na kayo!”

KABANATA 35 - MGA USAP-USAPAN

3 comments:

  1. pakipasa namn po ung reflection ng usap usapan
    ito po tlga ung totoong kwento
    paki send nalng po s fb acount ko frank franco basul

    ReplyDelete
  2. Ano po yung mga simbolismo sa kabanata 35: usap-usapan?

    ReplyDelete
  3. Ano po yung Mga isyung panlipunan na makikita sa bawat kabanata sa noli me tengere kabanata 35?

    ReplyDelete