KABANATA 24 - SA KAGUBATAN

Minamasdang mulat na mulat at walang tinag ng paring Acteon ang mahinhing Diyanang iyon; ang kanyang mga mata ay kumikinang sa maiitim na bilog na hindi nagsasawang tumingin sa mapuputi at mabibilog na bisig na iyon, sa magandang leeg na kasama ang bungad ng dibdib; ang mga maliliit at mamula-mulang paa ay nagbibigay sa kanyang abang katawan ng mga di-kilalang damdamin at nakapagbibigay-pangarap sa kanyang kumukulong utak ng mga bagong imahinasyon.

Sa likod ng isang liko ng ilog na puno ng makapal na kawayanan ay nawala ang mga maririkit na katawang iyon at hindi na naririnig ang kanilang mahahapding banggit. Lito, pasura-sury at pawisan na umalis si Padre Salvi sa kanyang pinagtataguan at tumatana-tanaw, na ang mata ay paikot-ikot, sa kanyang paligid. Huminto, nag-alinlangan; humakbang ng ilang hakbang na parang nais pang sundan ang mga dalaga, subalit bumalik at dumaan sa mga tabi ng ilog at hinanap ang kinaroronan ng karamihan.

KABANATA 24 - SA KAGUBATAN

No comments:

Post a Comment