Si Sisa ay hindi mapamahiin, ngunit sa dahilang marami siyang naririnig tungkol sa mga guni-guni at mga asong itim ay pinasok ang kaniyang kalooban ng malaking pagkatakot. Ang gabi ay nakaaakay na manalig sa mga gayong pamahiin at ang isipan ay nagkakalat sa hangin ng mga sari-saring larawan. Tinangkang magdasal, tawagan ang Birhen, ang Diyos, upang ingatan ang kanyang mga anak, lalung-lalo na si Crispin. Ngunit dahilan sa pag-iisip sa mga anak ay hindi napunang nalimutan niya ang pagdarasal, iniisip ang mga anyo ng bawat isa, ang mga anyong iyon na laging nangakangiti sa kanya, maging sa pagtulog o sa pagpupuyat. Subalit biglang nanindig ang kanyang mga buhok at napadilat ng labis at pamangha, ang kanyang mga mata; malikmata o katotohanan, nakita niya si Crispin na nakatayo sa tabi ng kalanan, sa palaging inuupuan kung sila ay nag-uusap. Ngayon ay walang imik; tinititigan siya nang malalaking matang mapagnilay at nakangiti.
Kabanata 16 - Si Sisa
saan ang tagpuan?
ReplyDeletemahalagangpangyayari sa kwento
ReplyDeleteano ang mahalagang pangyayari
Delete