Puno na ng mga tao ang patyo ng simbahan: mga babae at lalake, bata at matanda, na nakabihis ng kanilang pinakamainam na kasuotanay magkakahalong labas-masok sa makipot na pinto. Nangangamoy ang pulbura, bulaklak, kamanyang, pabango; ang mga bomba, kuwitis at buscapies ay dahilan sa kakatakutan ay napapatakbo at napapasigaw ang mga babae, at nagpapatawa sa mga bata. Isang banda ng musiko ang tumutugtog sa tapat ng kumbento, ang isa naman ay naghahatid sa mga maykapangyarihan sa bayan, ang ilan ay lumilibot sa mga lansangan na kinalalaylayan at niwawagaywayan ng mga banderitas. Liwanag at matitingkad na kulay ang nakalilito sa mata, tugtugan at dagundong sa tainga. Ang mga kampana ay walang tigil sa pag-ripeke; salu-salubong ang mga karwahe at kalesa, ang mga kabayo ay minsan ay nagugulat, nangagdadambahan, sumisipang nakatayo ang mga unahang paa, bagay na kahit wala sa palatuntunan ng kapistahan ay nagiging isang libreng panoorin at isa na lalong kahanga-hanga.
KABANATA 29 - KINAUMAGAHAN
KABANATA 29 - KINAUMAGAHAN
No comments:
Post a Comment