KABANATA 61 - ANG PAGHAHABULAN SA DAGAT

“May katwiran kayo, Elias, ngunit talagang ang tao ay isang hayop na sumusunod sa mga kaganapan: noon ay nabubulagan ako, masama ang aking loob, ewan ko ba! Ngayon ay inalis ng kasawian ang piring sa aking mga mata; ang pag-iisa at ang karumal-dumal na kalagayan sa aking bilangguan ay nagturo sa akin; ngayon ay nakikita ko ang kakila-kilabot na kabulukang sumisira sa lipunang ito, na nakakapit sa kanyang mga laman at humihingi ng isang matinding kagamutan. Sila ang nagbukas sa aking mata, ipinatanaw nila sa akin ang sugat at pinilit akong magkasala! At dahil inibig nila ang gayon ay magiging pilibustero ako, ngunit tunay na pilibustero; tatawagin ko ang lahat ng mga nahihirapan, ang lahat noong sa loob ng kanilang mga dibdib ay nakakaramdam na may tumitibok na puso, iyang mga taong nagpasugo sa inyo upang ako’y kausapin…[6] hindi, hindi maaring maging taksil sapagkat kailanman ay hindi taksil ang nakikipaglaban nang dahil sa kanyang bayan! Sa loob ng tatlong daang taon ay iniabot natin sa kanila ang ating mga kamay, hinihingaan natin ng pag-ibig, hinahangad nating matawag silang mga kapatid, ano ang itinutugon sa atin? Mga pagkutya at pag-iring, at halos ayaw tayong kilalaning tao. Walang Diyos, walang pag-asa, walang paglingap sa katauhan; wala na, kundi ang katwiran ng lakas!” Si Ibarra ay nanginginig; ang buong katawan niya’y yumayanig.

2 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. nais ko po sanang malaman kung saan ko pa po matatagpuan ang kopya ng bahaging ito ng iyong libro sapagkat napakalaking tulong po sa akin upang maunawaan ang lihim ni Rizal kaugnay sa mga naunang kabanata. ang tanging naging problema ko po ngayon ay hindi ko po makumpleto ang pagbabasa nito dahil hindi ko po matagpuan ang nasuring-basa na kabanata 61. nawa'y matulungan nyo po ako. marami pong salamat.

    ReplyDelete