KABANATA 54 - (Lahat ng nalalayo ay lalapit, Anumang nakalihim na inililihim ay mabubunyag)

Ipinahayag ng kampana ang pananalangin para sa paglubog ng araw;[1] sa pagkarinig ng tugtog na iyon, ang lahat ng tao ay iniiwan ang kanilang mga gawain at pinagkakabalahan: ang magsasakang galing sa bukid ay itinigil ang kanyang pag-awit, pinahinto ang lakad ng sinasakyang kalabaw at nagdasal; ang mga babae ay nag-antanda sa gitna ng mga lansangan at pinagagalaw ang kanilang mga labi upang hindi pag-dudahan ng sinuman ang kanilang debosyon; tinigilan ng lalake ang paghimas sa kanyang manok at nagdarasal ng Angelus upang siya ay dapuan ng kapalaran; sa mga bahay-bahay ay malalakas ang dasalan… ang anumang ingay na hindi dahil sa Aba Ginoong Maria ay nawawala, napipipi.

Gayunman, ang kura, na nakasumbrero ay matuling lumakad sa daan, bagay na umiskandalo sa mga matatandang babae,[2] at higit pang nakaiskadalo sa kanila (ayon sa napuna ni Donya Consolacion) na tinungo ang bahay ng alperes![3] Naisip ng mga mapanata na dapat munang itigil ang galawan ng kanilang mga labi upang halikan ang kamay ng kura, subalithindi sila pinansin ni Padre Salvi; sa oras na iyon ay hindi siya nasisiyahan na ilagay ang kanyang mabutong kamay sa ibabaw ng ilong ng isang babaing Kristiyana upang mula roon ay lihim na padulasin sa dibdib ng isang magandang binibini na nakayukod at naghihintay ng bendisyon. Marahil ay mahalagang bagay ang nasa kaniyang isipan niya upang malimot ang mga kapakanan ng sarili at Simbahan.

KABANATA 54
(Lahat ng nalalayo ay lalapit, Anumang nakalihim
na inililihim ay mabubunyag)

1 comment: