Labis ang kasayahan ni Kapitan Tiago. Sa kakila-kilabot na panahong iyon ay walang nakagambala sa kanya: hindi siya inaresto at ikinulong na mag-isa sa bilangguan, hindi siya inimbestigahan, ni nailagay sa makina ng elektrisidad, ni naranasan ang mababad ng matagal ang paa sa mga bilangguang nasa ilalim ng lupa, at iba pang kagagawan, na alam na alam ng ilang bantog na ginoong tumatawag sa kanilang mga sarili ng sibilisado.[1] Ang kanyang mga dating naging kaibigang (sapagkat itinakwil na niya ang kanyang mga kaibigang Pilipino mula nang sila ay mapaghinalaan ng pamahalaan), ay ibinalik din sa kani-kanilang mga tahanan makaraan ang ilang araw na pamamahinga sa mga gusali ng pamahalaan. Ang Kapitan Heneral na rin ang nag-utos na sila ay palayasin sa kanyang mga nasasakupang gusali dahil sa inakalang hindi sila nararapat na mamalagi roon,[2] bagay na isinamang lubos ng kalooban ng pingkok, na may balak na magpaskong kapiling ang gayong mga pasasa at masasalaping kasama.[3]
Si Kapitan Tinong ay umuwi sa kanyang bahay na may sakit, namumutla, minamanas, hindi siya naging hiyang sa kanya ang paglalakbay, at siya ay naging ibang-iba na, walang kaimik-imik, ni hindi man bumati sa kanyang kaanak na natatawa, napapaiyak at baliw sa katuwaan. Ang kaawa-awang tao ay hindi na umaalis sa kanyang bahay upang di-malagay sa panganib na makabati sa isang pilibustero. Hindi siya mapagsalita ng anuman ng pinsang si Primitivo kahit na ginamit nito ang buong katalinuhan ng mga tao sa una.[4]
KABANATA 60 - MAG-AASAWA SI MARIA CLARA
Add talasalitaan please
ReplyDelete