“Ang babaeng parurusahan sa gayong paraan ay isusumpa ang araw na isilang ang kanyang anak: Isang bagay na nagpapatagal ng pahirap ay sumisira pa sa damdamin ng isang ina.[7] Sa kasamaang palad, ang babae ay maayos na nanganak ng isang malusog na lalaking sanggol. Dalawang buwan makalipas ay ginanap ang kaparusahan, bagay na ikinasiya ng kalooban ng mga tao, na nag-akalang nakatupad sila sa kanilang katungkulan. Dahil sa kawalan ng katiwasayan sa kabundukang ito ay nagtungo sa kalapit na lalawigan, dala ang kanyang dalawang anak at doon ay namuhay nang tulad sa buhay-ganid; namumuhi at kinamumuhian. Ang pinakamatanda sa dalawa, na hindi nakakalimot sa kanyang masayang kabataan at pinagdaanang kahirapan ay nanulisan nang siya ay magkaroon na ng sapat na lakas. Mabilis na kumalat sa mga lalawigan ang madugong pangalan ni Balat, na kinatatakutan ng mga bayan-bayan sapagkat ang kanyang paghihiganti ay isnasagawa sa pamamagitan ng dugo at apoy.
KABANATA 50 - ANG ANGKAN NI ELIAS
pogiakoditotoooooo
ReplyDeletepogiakoditotoooooo
ReplyDeleteano po ng sinabi ni padre gaspar de san agustin tungkol sa pakikitungo sa indio ay sa pamamagitan ng latigo?
ReplyDelete