KABANATA 56 - MGA SINASABI AT ANG MGA PANINIWALA

Ang Diyos, sa wakas ay pinasikat din ang ang umaga sa natatakot na bayan. Ang daang kinalalagyan ng kuwartel at ng tribunal ay tahimik pa at wala isa mang tao; sa mga bahay ay parang walang palatandaan ng buhay. Gayunman, ang kahoy na dahon ng isang bintana ay bumukas at dumungaw ang ulo ng isang bata, na tumingin-tingin, inihaba ang leeg at tumanaw sa lahat ng dako… plas! ang lagapak ay nagpakilala ng pagtama ng isang katad sa isang katawan ng tao; ang bibig ng bata’y napangiwi, napapikit ang mga mata, nawala, at muling nasara ang bintana.
Naibigay na ang halimbawa; ang pagbubukas at pagsasarang iyon ay parang nadinig nang iba, sapagkat marahang nagbukas ang isa pang bintana at maingat na lumitaw ang ulo ng isang matandang babae, na kulubot ang mukha at walang ngipin: siya si Manang Pute na nambulahaw nang katakut-takot noong nagsesermon si Padre Damaso. Ang mga bata at matatanda ang kinatawan ng mga usisero dito sa mundo; ang mga una ay dahil sa pagnanais na mabatid ang lahat ng bagay, at ang mga huli ay upang maalaala ang kaganapan.

KABANATA 56
MGA SINASABI AT ANG MGA PANINIWALA



No comments:

Post a Comment