Sa mga hindi nakakaalam sa mga kasangkapan sa pagpapahirap ay masasabi namin na ang pangawan ay isa sa pinakamagaan. Ang layo ng bawat butas na pinaglalagyan ng paa ng mga pinipiit ay humigit-kumulang sa isang dangkal; kung lalaktawan ng dalawang butas, ang bilanggo ay malalagay sa isang hirap na ayos, masasaktan ang mga binti at mabibikaka ang paa nang higit sa kalahating dipa: hindi nakamamatay na bigla gaya nang maaring isipin.
Ang tagapagbantay ng bilangguan na may kasunod na apat na sundalo ay inalis ang sagka at binuksan ang pinto. Magkahalo ang mabahong alingasaw at isang malamig na simoy ang nanggaling sa kadiliman na sabay sa pagkakarinig sa ilang taghoy at iyak. Ang isa sa mga sundalo ay nagsindi ng posporo nguni’t namatay ang apoy dahil sa masamang singaw na iyon kaya hinIntay muna nilang mapalitan ang hangin.
Sa bahagyang liwanag ng isang ilaw ay mababanaag ang ilang anyo ng tao: mga lalakeng nakayapos sa kanilang mga tuhod at itinatago dito ang ulo, nakataob, patayo, nakaharap sa dingding, atbp. Nadinig ang ilang pukpok at langitngit na may kasamang tungayaw: nabuksan ang pangawan.
KABANATA 57 - VAE VICTIS!
Ang aking kaligayahan ay nasa loob ng balon
No comments:
Post a Comment