KABANATA 52 BARAHA NG MGA PATAY AT ANG MGA ANINO

Pumasok sila, at sa kadilimang iyon ay naghanap sila ng isang maayos na lugar; di-natagalan ay nakakita sila ng isang nicho at nag-upuan. Ang pinakamababa ay kumuha sa kanyang salakot ng baraha at nagsindi ng posporo ang isa.[10] Sa panadaliang liwanag ay nagtinginan silang dalawa, ngunit sa kanilang mga mukha ay hindi sila magkakilala. Gayunman ay makikilala natin na ang pinakamataas at may matigas na tinig ay si Elias, at ang maliit ay si Lucas dahil sa peklat sa pisngi.
“Hatiin ninyo!” ang sabi nito, na hindi inilalayo sa kaharap ang tingin. Inilayo ang ilang buto na nasa ibabaw ng nitso at binatak ang isang alas at isang kabayo.
Sunud-sunod na nagsisindi ng posporo si Elias.
“Sa kabayo!” ang sabi, at upang matandaan ang baraha ay pinatungan ng isang buto.
“Juego!” ang sabi ni Lucas, at sa ikaapat o ikalimang baraha ay sumipot ang isang alas.
“Natalo kayo,” ang dugtong, “ngayon ay bayaan ninyo akong maghanap-buhay na mag-isa.”
Hindi kumibo si Elias at nawala sa gitna ng kadiliman.
Makaraan ang ilang sandali ay tumugtog ang ikawalo sa orasan ng simbahan at itinugtog ng kampana ang mga kaluluwa ng namayapa; ngunit walang hinamong sinuman si Lucas, hindi tinawagan ang mga patay gaya nang sinasabi ng mga pamahiin, kundi ang ginawa ay nag-alis ng salakot at bumulong ng ilang dasal, nag-antanda ng katulad ng ginagawa sa mga sandaling iyon ng pinuno sa Cofradia de Santisimo Rosario

KABANATA 52
BARAHA NG MGA PATAY AT ANG MGA ANINO

5 comments:

  1. hindi po ba nagsindi ng posporo si Elias nung naglalaro po silang dalawa ni Lucas? Bakit niya po ginawa iyo? Para saan?

    ReplyDelete
  2. hindi po ba nagsindi ng posporo si Elias nung naglalaro po silang dalawa ni Lucas? Bakit niya po ginawa iyo? Para saan?

    ReplyDelete
  3. hindi po ba nagsindi ng posporo si Elias nung naglalaro po silang dalawa ni Lucas? Bakit niya po ginawa iyo? Para saan?

    ReplyDelete