KATAPUSAN



Marami pa ang nabubuhay sa mga tao ng salaysay na ito, at dahil sa nawala sa aming paningin ang iba, ay imposible na makagawa ng isang tunay na katapusan. Sa kagalingan ng mga taong-bayan ay malugod naming pagpapapatayin ang lahat ng taong nabanggit dito; sisimulan kay Padre Salvi at tatapusin kay Donya Victorina, ngunit imposibleng mangyayari ang gayon… mabuhay sila! Dahil kami rin naman, at ang bayan ang siyang magpapakain sa kanila…

KATAPUSAN

KABANATA 63 - ANG NOCHE BUENA

Sa mataas na bahagi ng dalisdis ng isang bundok, sa tabi ng isang batis na inaagusan ng malakas na tubig, ay nakatago sa mga punung-kahoy ang isang kubo, na balu-baluktot na sanga ang gamit na kahoy. Sa ibabaw ng bubungang kugon ay malagong gumagapang ang kalabasa, na maraming bunga at bulaklak; ang palamuti nito ay mga sungay ng usa, mga bungo ng baboy-damo na ang ilan ay may mahahabang pangil. Doon nakatira ang isang mag-anak na Tagalog na ang ikinabubuhay ay ang pangangaso at pangangahoy.[1] Sa lilim ng isang puno ay ang lolo ay gumagawa ng walis mula mga gulugod ng dahon ng niyog, habang ang isang dalaga ay naglalagay sa isang buslo ng mga itlog, dayap at gulay. Dalawang bata, ang isa ay babae at ang isa naman ay lalake ang naglalaro sa tabi ng isa pang batang lalake na maputla, malungkot, malalaki ang mga mata at malalim kung tumitig, na nakaupo sa isang nakabuwal na puno. Sa kanyang kaanyuang payat ay makikilala natin ang anak ni Sisa, si Basilio, na kapatid ni Crispin.

“Kapag gumaling na ang paa mo,” ang sabi sa kanya ng batang babae, “ay maglaro tayo ng piku-piko, taguan, ako ang taya.”

“Papanhik kang kasama namin sa itaas ng bundok,” ang dugtong ng batang lalake, “iinom ka ng dugo ng usa na pinigaan ng katas ng dayap at tataba ka, at kung magaling ka na ay tuturuan kita ng pagtalon sa mga bato sa batisan.”

Malungkot na napangiti si Basilio, pinagmasdan ang sugat sa kanyang paa, at pagkatapos ay itinataas ang mata sa araw na kumikinang nang buong ningning.

KABANATA 63 - ANG NOCHE BUENA

KABANATA 62 - NAGPALIWANAG SI PADRE DAMASO

Walang naging kabuluhan ang ang nakalagay sa ibabaw ng isang mesa na mga magagandang regalong pangkasal, maging ang mga brilyanteng nasa kanilang mga lagayan na yari sa tersiyopelong kulay bughaw, naging ang mga pinyang may burda, maging ang mga piraso ng sutla ay hindi nakaaakit sa paningin ni Maria Clara. Tinitingnan ng dalaga, na hindi naman nakikita ni binabasa, ang pahayagang nagbabalita ng pagkamatay ni Ibarra na nalunod sa lawa. Biglang naramdaman niya na ang dalawang kamay na tumakip sa kanyang mga mata, pumigil sa kanya, at isang masayang tinig ni Padre Damaso ang tumatanong sa kanya ng: “Sino ako? Sino ako?”

Si Maria Clara ay napatalon sa kinauupan at tinitigan na may malaking pagkatakot ang pari.[1]

“Ulol! Natatakot ka ba? Hindi mo ba ako hinihintay? Galing pa ako sa probinsiya upang dumalo sa iyong kasal.”

At lumapit na nakangiti nang buong lugod at iniabot ang kamay upang hagkan ng binibini. Si Maria Clara ay nanginginig na lumapit at buong galang na inilapit ang kamay sa kanyang mga labi. “Ano ang nangyayari sa iyo Maria?” ang tanong ng Pransiskano na nawalan ng masayang ngiti at nakaramdam ng pangangamba, “malamig ang kamay mo, at ikaw ay namumutla… may sakit ka ba, anak ko?” Nilapitan siya nang buong suyo ni Padre Damaso, suyong hindi iisipin na kanyang tinataglay, hinawakan ang dalawang kamay ng dalaga at ito ay tinanong sa pamamagitan ng tingin.


KABANATA 62 - NAGPALIWANAG SI PADRE DAMASO

KABANATA 61 - ANG PAGHAHABULAN SA DAGAT

“May katwiran kayo, Elias, ngunit talagang ang tao ay isang hayop na sumusunod sa mga kaganapan: noon ay nabubulagan ako, masama ang aking loob, ewan ko ba! Ngayon ay inalis ng kasawian ang piring sa aking mga mata; ang pag-iisa at ang karumal-dumal na kalagayan sa aking bilangguan ay nagturo sa akin; ngayon ay nakikita ko ang kakila-kilabot na kabulukang sumisira sa lipunang ito, na nakakapit sa kanyang mga laman at humihingi ng isang matinding kagamutan. Sila ang nagbukas sa aking mata, ipinatanaw nila sa akin ang sugat at pinilit akong magkasala! At dahil inibig nila ang gayon ay magiging pilibustero ako, ngunit tunay na pilibustero; tatawagin ko ang lahat ng mga nahihirapan, ang lahat noong sa loob ng kanilang mga dibdib ay nakakaramdam na may tumitibok na puso, iyang mga taong nagpasugo sa inyo upang ako’y kausapin…[6] hindi, hindi maaring maging taksil sapagkat kailanman ay hindi taksil ang nakikipaglaban nang dahil sa kanyang bayan! Sa loob ng tatlong daang taon ay iniabot natin sa kanila ang ating mga kamay, hinihingaan natin ng pag-ibig, hinahangad nating matawag silang mga kapatid, ano ang itinutugon sa atin? Mga pagkutya at pag-iring, at halos ayaw tayong kilalaning tao. Walang Diyos, walang pag-asa, walang paglingap sa katauhan; wala na, kundi ang katwiran ng lakas!” Si Ibarra ay nanginginig; ang buong katawan niya’y yumayanig.

KABANATA 60 - MAG-AASAWA SI MARIA CLARA

Labis ang kasayahan ni Kapitan Tiago. Sa kakila-kilabot na panahong iyon ay walang nakagambala sa kanya: hindi siya inaresto at ikinulong na mag-isa sa bilangguan, hindi siya inimbestigahan, ni nailagay sa makina ng elektrisidad, ni naranasan ang mababad ng matagal ang paa sa mga bilangguang nasa ilalim ng lupa, at iba pang kagagawan, na alam na alam ng ilang bantog na ginoong tumatawag sa kanilang mga sarili ng sibilisado.[1] Ang kanyang mga dating naging kaibigang (sapagkat itinakwil na niya ang kanyang mga kaibigang Pilipino mula nang sila ay mapaghinalaan ng pamahalaan), ay ibinalik din sa kani-kanilang mga tahanan makaraan ang ilang araw na pamamahinga sa mga gusali ng pamahalaan. Ang Kapitan Heneral na rin ang nag-utos na sila ay palayasin sa kanyang mga nasasakupang gusali dahil sa inakalang hindi sila nararapat na mamalagi roon,[2] bagay na isinamang lubos ng kalooban ng pingkok, na may balak na magpaskong kapiling ang gayong mga pasasa at masasalaping kasama.[3]

Si Kapitan Tinong ay umuwi sa kanyang bahay na may sakit, namumutla, minamanas, hindi siya naging hiyang sa kanya ang paglalakbay, at siya ay naging ibang-iba na, walang kaimik-imik, ni hindi man bumati sa kanyang kaanak na natatawa, napapaiyak at baliw sa katuwaan. Ang kaawa-awang tao ay hindi na umaalis sa kanyang bahay upang di-malagay sa panganib na makabati sa isang pilibustero. Hindi siya mapagsalita ng anuman ng pinsang si Primitivo kahit na ginamit nito ang buong katalinuhan ng mga tao sa una.[4]

KABANATA 60 - MAG-AASAWA SI MARIA CLARA

KABANATA 59 - ANG INANG-BAYAN AT ANG MGA KAPAKANAN

Ang balita ay lihim na inihahatid ng telegrama sa sa Maynila,[1] pagkatapos na makaraan ang tatlumpu’t anim na oras ay ibinalita na ng mga pahayagan ang nangyari, na binalot ng maraming hiwaga at babala;[2] na ginutay, inayos at dinagdagan ng tagasuri.[3] Samantala naman, ang mga balitang dala ng ibang tao, na galing sa mga kumbento, ay siyang unang palihim na kumalat, na ikinatakot ng bawat makaalam.[4] Ang pangyayari, na nag-iba ng ayos dahil sa ilang libong bersiyon, agad na pinaniniwalaan o hindi ayon sa udyok ng kalooban ng isa’t isa.[5]

Kahit ang katahimikang-bayan ay hindi nagagambala,[6] ngunit parang ang kapayapaan ng mga tahanan ay nahahalo, na gaya ng isang tangke: samantalang ang ibabaw ay walang kagalaw-galaw, ngunit sa ilalim ay nagsisigapang, naglalanguyan at naghahabulan ang mga piping isda. Ang mga krus, mga condecoracion,[7] mga ensigna sa balikat, mga trabaho, kabantugan, kapangyarihan, kahalagahan, kataasan, atbp., ay nagliparan na parang mga paruparo, sa isang ginintuang liparan, ayon sa nakikita ng isang bahagi ng mga mamamayan. Sa isang bahagi naman ay isang madilim na ulap ang pumaitaas, na sa kanyang abuhing kulay ay namumukod na parang maiitim na anino, ang mga rehas na bakal ng kulungan, mga tanikala at marahil ay maging ang nakapangingilabot na bitayan. Parang naririnig ang mga pagsisiyasat, mga kahatulan, ang mga sigaw na bunga ng pagpapahirap; ang Marianas at Bagumbayan ay namamalas na balot ng isang marumi at madugong talukbong:[8] ang mga mangingisda at isda ay nagkakagulo. Sa imahinasyon ng mga taga-Maynila ay inilalarawan ng Kapalaran ang pangyayari, nang kaayos ng ilang pamaypay na galing sa Tsina: ang isang mukha ay may bahid na itim at ang isa ay puno ng burda, matitingkad na kulay, mga ibon at bulaklak.[9]

KABANATA 59 -
ANG INANG-BAYAN AT ANG MGA KAPAKANAN

KABANATA 58 - ANG TAKSIL


Madaliang kumalat sa bayan ang balitang ang mga bilanggo ay iaalis na; sa unang pagkabatid nang balita ay nasindak ang lahat, at pagkatapos ay sinundan ng iyakan at panaghoy. Ang mga kamag-anak ng mga bilanggo ay parang mga baliw na nagtakbuhan: lakad pabalik-balik sa kumbento at kuwartel, sa kuwartel at sa tribunal, at dahil wala silang makitang anumang lunas ay napuno ang paligid ng sigawan at iyakan. Ang kura ay nagkulong sa kanyang silid dahil may sakit;[1] nagpagdagdagdag ng bantay ang alperes na sumasalubong sa pamamagitan ng kulata ng baril, ang mga babaeng nagma-makaawa; ang inutil na kapitan sa bayan ay para higit pang naging walang kabuluhan kaysa dati. Sa harap ng bilangguan ay tumatakbong paikot-ikot ang mga may lakas pa; ang mga pagod na ay nag-upuan sa lupa at tinatawag na lamang ang pangalan ng kanilang mga minamahal.

KABANATA 58 - ANG TAKSIL

KABANATA 57 - VAE VICTIS!


Sa mga hindi nakakaalam sa mga kasangkapan sa pagpapahirap ay masasabi namin na ang pangawan ay isa sa pinakamagaan. Ang layo ng bawat butas na pinaglalagyan ng paa ng mga pinipiit ay humigit-kumulang sa isang dangkal; kung lalaktawan ng dalawang butas, ang bilanggo ay malalagay sa isang hirap na ayos, masasaktan ang mga binti at mabibikaka ang paa nang higit sa kalahating dipa: hindi nakamamatay na bigla gaya nang maaring isipin.
Ang tagapagbantay ng bilangguan na may kasunod na apat na sundalo ay inalis ang sagka at binuksan ang pinto. Magkahalo ang mabahong alingasaw at isang malamig na simoy ang nanggaling sa kadiliman na sabay sa pagkakarinig sa ilang taghoy at iyak. Ang isa sa mga sundalo ay nagsindi ng posporo nguni’t namatay ang apoy dahil sa masamang singaw na iyon kaya hinIntay muna nilang mapalitan ang hangin.
Sa bahagyang liwanag ng isang ilaw ay mababanaag ang ilang anyo ng tao: mga lalakeng nakayapos sa kanilang mga tuhod at itinatago dito ang ulo, nakataob, patayo, nakaharap sa dingding, atbp. Nadinig ang ilang pukpok at langitngit na may kasamang tungayaw: nabuksan ang pangawan.

KABANATA 57 - VAE VICTIS!
Ang aking kaligayahan ay nasa loob ng balon

KABANATA 56 - MGA SINASABI AT ANG MGA PANINIWALA

Ang Diyos, sa wakas ay pinasikat din ang ang umaga sa natatakot na bayan. Ang daang kinalalagyan ng kuwartel at ng tribunal ay tahimik pa at wala isa mang tao; sa mga bahay ay parang walang palatandaan ng buhay. Gayunman, ang kahoy na dahon ng isang bintana ay bumukas at dumungaw ang ulo ng isang bata, na tumingin-tingin, inihaba ang leeg at tumanaw sa lahat ng dako… plas! ang lagapak ay nagpakilala ng pagtama ng isang katad sa isang katawan ng tao; ang bibig ng bata’y napangiwi, napapikit ang mga mata, nawala, at muling nasara ang bintana.
Naibigay na ang halimbawa; ang pagbubukas at pagsasarang iyon ay parang nadinig nang iba, sapagkat marahang nagbukas ang isa pang bintana at maingat na lumitaw ang ulo ng isang matandang babae, na kulubot ang mukha at walang ngipin: siya si Manang Pute na nambulahaw nang katakut-takot noong nagsesermon si Padre Damaso. Ang mga bata at matatanda ang kinatawan ng mga usisero dito sa mundo; ang mga una ay dahil sa pagnanais na mabatid ang lahat ng bagay, at ang mga huli ay upang maalaala ang kaganapan.

KABANATA 56
MGA SINASABI AT ANG MGA PANINIWALA



KABANATA 55 - ANG PAGKAKAGULO


Sa komedor ay kumakain sina Kapitan Tiyago, si Linares at si Tia Isabel; mula dito ay maririnig ang tunog ng mga pinggan at kubyertos. Sinabi ni ni Maria Clara na hindi siya nagugutom at umupo sa piyano, kasama ang masayahing si Sinang na bumubulong sa tainga niya ng mga misteryosong pangungusap, samantalang si Padre Salvi ay palakad-lakad sa magkabilang dulo ng salas na hindi mapalagay.

Hindi totoong hindi nagugutom, ang maysakit; hinihintay niya ang pagdating ng isang tao at sinamantala ang sandaling ang nagmamasid sa kanyang Argos:[1] ay hindi nakaharap: na sa mga sandaling ito ay kasama ni Linares na paghahapunan.

KABANATA 55 - ANG PAGKAKAGULO

KABANATA 54 - (Lahat ng nalalayo ay lalapit, Anumang nakalihim na inililihim ay mabubunyag)

Ipinahayag ng kampana ang pananalangin para sa paglubog ng araw;[1] sa pagkarinig ng tugtog na iyon, ang lahat ng tao ay iniiwan ang kanilang mga gawain at pinagkakabalahan: ang magsasakang galing sa bukid ay itinigil ang kanyang pag-awit, pinahinto ang lakad ng sinasakyang kalabaw at nagdasal; ang mga babae ay nag-antanda sa gitna ng mga lansangan at pinagagalaw ang kanilang mga labi upang hindi pag-dudahan ng sinuman ang kanilang debosyon; tinigilan ng lalake ang paghimas sa kanyang manok at nagdarasal ng Angelus upang siya ay dapuan ng kapalaran; sa mga bahay-bahay ay malalakas ang dasalan… ang anumang ingay na hindi dahil sa Aba Ginoong Maria ay nawawala, napipipi.

Gayunman, ang kura, na nakasumbrero ay matuling lumakad sa daan, bagay na umiskandalo sa mga matatandang babae,[2] at higit pang nakaiskadalo sa kanila (ayon sa napuna ni Donya Consolacion) na tinungo ang bahay ng alperes![3] Naisip ng mga mapanata na dapat munang itigil ang galawan ng kanilang mga labi upang halikan ang kamay ng kura, subalithindi sila pinansin ni Padre Salvi; sa oras na iyon ay hindi siya nasisiyahan na ilagay ang kanyang mabutong kamay sa ibabaw ng ilong ng isang babaing Kristiyana upang mula roon ay lihim na padulasin sa dibdib ng isang magandang binibini na nakayukod at naghihintay ng bendisyon. Marahil ay mahalagang bagay ang nasa kaniyang isipan niya upang malimot ang mga kapakanan ng sarili at Simbahan.

KABANATA 54
(Lahat ng nalalayo ay lalapit, Anumang nakalihim
na inililihim ay mabubunyag)

KABANATA 53 ANG MABUTING ARAW AY NAKIKILALA SA UMAGA


Maagang-maaga pa lamang ay mabilis na kumalat sa bayan ang balita na sa nakalipas na gabi ay may nakitang maraming ilaw sa simenteryo.[1] Ang pinuno ng V.O.T. ay nagbabalita ng mga kandilang may dingas at tinutukoy ang kanilang mga laki at anyo, subalit hindi masabi nang tiyak kung ilan, ngunit nabilang niyang mahigit sa dalawampu.[2] Hindi mapalampas ni Manang Sipa, na kapatid ng Santisimo Rosario, na ang malaking katangian na makakita sa milagro ng Diyos ay isang kalaban ng kanilang Kapatiran: si Manang Sipa, na kahit malayo sa simenteryo ang tirahan ay nakarinig din ng mga daing at hinagpis, at parang kilala pa niya ang boses ng ilan kataong noong araw ay kanyang… subalit dahil sa kanyang pagiging kristiyano pinatatawad niya, at ipinagdarasal pa niya at inilihim ang kanilang pangalan, kaya ang lahat ay nagpapalagay na siya ay banal. [3]

KABANATA 53
ANG MABUTING ARAW AY NAKIKILALA SA UMAGA


KABANATA 52 BARAHA NG MGA PATAY AT ANG MGA ANINO

Pumasok sila, at sa kadilimang iyon ay naghanap sila ng isang maayos na lugar; di-natagalan ay nakakita sila ng isang nicho at nag-upuan. Ang pinakamababa ay kumuha sa kanyang salakot ng baraha at nagsindi ng posporo ang isa.[10] Sa panadaliang liwanag ay nagtinginan silang dalawa, ngunit sa kanilang mga mukha ay hindi sila magkakilala. Gayunman ay makikilala natin na ang pinakamataas at may matigas na tinig ay si Elias, at ang maliit ay si Lucas dahil sa peklat sa pisngi.
“Hatiin ninyo!” ang sabi nito, na hindi inilalayo sa kaharap ang tingin. Inilayo ang ilang buto na nasa ibabaw ng nitso at binatak ang isang alas at isang kabayo.
Sunud-sunod na nagsisindi ng posporo si Elias.
“Sa kabayo!” ang sabi, at upang matandaan ang baraha ay pinatungan ng isang buto.
“Juego!” ang sabi ni Lucas, at sa ikaapat o ikalimang baraha ay sumipot ang isang alas.
“Natalo kayo,” ang dugtong, “ngayon ay bayaan ninyo akong maghanap-buhay na mag-isa.”
Hindi kumibo si Elias at nawala sa gitna ng kadiliman.
Makaraan ang ilang sandali ay tumugtog ang ikawalo sa orasan ng simbahan at itinugtog ng kampana ang mga kaluluwa ng namayapa; ngunit walang hinamong sinuman si Lucas, hindi tinawagan ang mga patay gaya nang sinasabi ng mga pamahiin, kundi ang ginawa ay nag-alis ng salakot at bumulong ng ilang dasal, nag-antanda ng katulad ng ginagawa sa mga sandaling iyon ng pinuno sa Cofradia de Santisimo Rosario

KABANATA 52
BARAHA NG MGA PATAY AT ANG MGA ANINO

KABANATA 51 - PAG-IIBANG AYOS

“Minamahal na pinsan:

Sa loob ng tatlong arao ay inaantay kong malaman sa yo kun napatay ka nan alperes o ikaw ay nakapatay sa cania[1] ayocon macaraan ng ilan arao na an jaiop na yan e jindi mackaroon ng caparusahan kun macaran an taning naitot hindi mo jinahamon ai sasabihin ko cai don Santiago na caylan man ay jindi ca naguin galihim ni don Arsenio Martines, sasabihin ko cai Clarita na ang lajat ay kasinungalingan at dina kita bibigyan niisang beles kun jahamunin mo ay ipina pa ngako co sayo an lahat kayat hoag na di jamunin ipinauuna co sayong ualang halaga an ano man pag da dahilan.”

An iyon pinsan umiibik sayo nan bong puso

Victorina delos Reyes de De Espadaña
Sampaloc Lunes ika-7 ng Gabi

KABANATA 51 - PAG-IIBANG AYOS





KABANATA 50 - ANG ANGKAN NI ELIAS

“Ang babaeng parurusahan sa gayong paraan ay isusumpa ang araw na isilang ang kanyang anak: Isang bagay na nagpapatagal ng pahirap ay sumisira pa sa damdamin ng isang ina.[7] Sa kasamaang palad, ang babae ay maayos na nanganak ng isang malusog na lalaking sanggol. Dalawang buwan makalipas ay ginanap ang kaparusahan, bagay na ikinasiya ng kalooban ng mga tao, na nag-akalang nakatupad sila sa kanilang katungkulan. Dahil sa kawalan ng katiwasayan sa kabundukang ito ay nagtungo sa kalapit na lalawigan, dala ang kanyang dalawang anak at doon ay namuhay nang tulad sa buhay-ganid; namumuhi at kinamumuhian. Ang pinakamatanda sa dalawa, na hindi nakakalimot sa kanyang masayang kabataan at pinagdaanang kahirapan ay nanulisan nang siya ay magkaroon na ng sapat na lakas. Mabilis na kumalat sa mga lalawigan ang madugong pangalan ni Balat, na kinatatakutan ng mga bayan-bayan sapagkat ang kanyang paghihiganti ay isnasagawa sa pamamagitan ng dugo at apoy.

KABANATA 50 - ANG ANGKAN NI ELIAS

KABANATA 49-ANG TINIG NG MGA PINAG-UUSIG


“Ang pamahalaan ay katulad ng isang masamang manggagamot, ginoo, walang hinahanap kundi ang lunasan at gamutin ang mga sintomas, ngunit hindi naman sinisiyasat ang pinagmumulan ng sakit, o kung alam man niya ang dahilan ay natatakot na ito ay labanan. Ang guwardiya sibil ay itinatag lamang sa layunin na sugpuin ang kasamaan sa pamamagitan ng pananakot at lakas, ngunit ang layunin ng pagtatayo nito ay hindi naman nangyayari at kung may nagagawa ay nagkakataon lamang.[15] At dapat malaman na ang mga guwardiya sibil ay walang napagbubuntunan ng sisi kundi ang mga taong bayan lamang, kapag sila ay binigyan ng mga kailangan sa ikaaayos ng kanilang ugali. Sa ating bayan, sa dahilang walang matatawag na partidong pampulitika, dahilan sa hindi nagkakaisa ang bayan at ang pamahalaan.[16] Sa ganito, ang pamahalaan ay nararapat na maging mapagpaumanhin, hindi lamang dahilan sa ito ang nararapat niyang gawin, kundi sa dahilang ang mga mamayan, na kulang sa kanyang pagkalinga at pinababayaan, ay walang pananagutan dahil nga sa hindi sila tumanggap ng malaking liwanag, Saka ang isa pa, sang-ayon sa inyong halimbawa, ang panlunas na inyong iminumungkahi sa sakit ng bayan ay tunay na hindi mabisa, walang nagagamot kundi ang mga parte ng katawan na hindi naman apektado ng karamdaman na pinahihina at iniaaboy sa kasamaan. Hindi kaya lalong makatwiran na pabagsikin ang gamot sa parte ng katawan na tunay na may sakit at bawasan ng kaunti ang bagsik sa dakong wala namang karamdaman?”

KABANATA 49-ANG TINIG NG MGA PINAG-UUSIG

KABANATA 48-ANG TALINHAGA


Gaya ng nasabi ni Lucas ay dumating kinabukasan si Ibarra.[1] Ang una niyang pinuntahan ay ang pamilya ni Kapitan Tiyago upang makita si Maria Clara at ipaalam na ibinabalik na siyang muli ng Arsobispo sa simbahan: may dala siyang isang sulat tagubilin ng Arsobispo para sa kura. Ang gayon ay labis na ikinatuwa ni Tia Isabel sapagkat mahal din naman sa kanya ang binata at hindi pumapayag na ang kanyang pamangkin ay makasal kay Linares. Si Kapitan Tiyago ay wala sa bahay.
“Tuloy kayo,” sabi ni Tia Isabel sa kanyang salitang may halong kaunting Kastila, “Maria, si Ginoong Crisostomo ay nasa loob na naman ng biyaya ng Diyos; deskomulgado[2] na siya ng Arsobispo.”

KABANATA 48-ANG TALINHAGA

KABANATA 47 - ANG DALAWANG SENYORA

Habang isinasabong ni Kapitan Tiyago ang kanyang lasak, si Donya Victorina naman ay naglibot sa bayan upang makita kung ano ang ayos ng mga bahay at lupain ng mga tamad na Indio. Isinuot ang pinakamagandaniyang damir, inilagay sa ibabaw ng sutlang robe ang lahat ng laso at bulaklak upang humanga sa kanya ang mga probinsiyano at makita ang kahigitan ng kanyang mahal na pagkatao, at matapos na ikawit ang kamay ng asawa sa kanyang bisig ay gumala-gala sa mga lansangan, sa gitna ng pagkagulat at pagtataka ng mga mamamayan.[1] Ang pinsang si Linares ay naiwan sa bahay.
“Napakapangit ng mga bahay ng mga Indiyong ito!” pasimula ni Donya Victorina na ngumiwi, “hindi ko maalaman kung papaano sila nakakatira diyan: kailangang maging Indio upang makatira diyan. At labis sa kawalang pinag-aralan at mapagmataas! Nasasalubong tayo ay hindi man lamang nagpupugay! Paluin mo, gaya ng ginagawa ng mga kura at ng mga tenyente ng sibil; turuan mo sila ng paggalang.”

KABANATA 47 - ANG DALAWANG SENYORA

KABANATA 46-ANG SABUNGAN

Upang maipagpatuloy ang paggalang sa hapon ng kabanalan ng Linggo sa Pilipinas, karaniwan nang pumaparoon ang mga tao sa sabungan,[1] ito ay katulad din naman nang pagparoon ng mga tao sa laruan ng toro sa Espanya. Ang sabong, isang bisyo na ipinasok sa lupaing ito at pinagkakakitaan na nang mahaba panahon, isa ito sa mga kinahumalingan ng bayan, na higit pa kaysa pagkasugapa sa apyan ng mga Insik;[2] doon pumupunta ang maralita upang ipagbakasakali ang kaunting perang dala sa pagnanasang kumita ng malaking salapi nang hindi binabatak ang buto;[3] doon tumutungo ang mayaman upang maglibang, na itinataya ang salaping lumabis sa mga pista at pamisa de gracia; nguni’t sadyang kanila ang salaping ipinupusta, ang manok ay alagang-alaga, marahil ay higit pa kaysa pag-aalaga sa isang anak na siyang hahalili sa ama sa pagparoon sa sabungan,[4] at sa bagay na ito’y wala kaming masasabi.

KABANATA 45-ANG MGA PINAG-UUSIG


Sa malabong liwanag na isinasabog ng buwan sa mga siwang ng mga sangang malalago ng mga puno, ay isang lalake ang dahan-dahan na naglalakad at maingat sa bawat hakbang sa kagubatan. Paminsan-minsan ay sumisipol ng isang tugtuging katangi-tangi na para matunton ang tinutungo, at ang sipol na iyon ay karaniwan namang sinasagot ng isa ring sipol na malayo, na katulad din ang tunog.[1] Taimtim na pinakikinggan ang mga sipol na naririnig niya mula sa malayo at pagkatapos ay ipagpapatuloy ang kanyang lakad na tungo sa kinalalagyan ng malayong sipol.
Sa gitna ng mga balakid na ibinibigay ng isang gubat sa kalagitnaan ng gabi, gubat na hindi pa nayayapakan ng tao, ay nakarating din siya sa isang pook na malinis, na naliliwanagan ng buwan na nasa kalahati ang laki. Sa itaas ng talampas na sa ibabaw ay may mga punongkahoy ang nakatayo sa paligid, na katulad sa guhong entablado ng isang dulaan; mga punong kapuputol pa lamang, mga sangang naging uling ang matatagpuan sa kalagitnaan at nakahalo sa malalaking bato na bahagya nang matakpan ng kalikasan ng kanyang luntiang balabal.


KABANATA 45-ANG MGA PINAG-UUSIG


KABANATA 44 - PAGSUSURI SA BUDHI

Inilapit ng mabait na ali sa ilaw ang isang upuan, inilagay ang salamin sa tungki ng ilong at sabay na pagbubukas ng isang munting aklat, sinabi niya na: “Pakinggan mong mabuti, anak ko. Sisimulan ko sa “Sampung Utos ng Diyos,” babagalan ko nang makapagmuni ka; kung hindi mo ako marinig na mabuti ay sabihin mo upang maulit ko; alam mo nang hindi ako marunong mapagod sa tungkol sa ikabubuti mo.”
Sinimulan ni Tia Isabel ang pagbasa sa tulong ng humal na tinig sa mga pagmumuni-muni tungkol sa mga maaring kasalanan. Sa katapusan ng bawat salaysay ay humihinto nang mahaba upang ang binibini ay magkapanahong makapag-alaala ng mga kasalanan at makapagtika. Si Maria Clara ay nakatanaw sa itaas. Matapos ang unang utos na Ibigin ang Diyos nang lalo sa lahat ng bagay, ay tinanaw siya ni Tia Isabel na ang tingin ay pinaraan sa ibabaw ng salamin, at nasiyahan sa kanyang anyong nagbubulay-bulay at malungkot.


KABANATA 44 - PAGSUSURI SA BUDHI

KABANATA 43 - MGA BALAK

Si Padre Damaso ay tuloy-tuloy sa kinaroroonan ng maysakit na walang pinansing sinuman, matapos mahawakan ang kamay. “Maria!” ang sabi nang buong suyo at umagos ang luha sa kanyang mga mata, “Maria, anak ko, hindi ka mamamatay!”
Idinilat ng maysakit; ang mga mata at patakang minasdan ang pari. Walang sa mga nakakakilala sa Pransiskano ay mag-aakalang may taglay siyang gayong malambot na damdamin; sa loob ng gayong walang galang at magaspang na panlabas na anyo ay walang makakaisip na mayroon siyang puso. Hindi na nakapagpatuloy si Padre Damaso at lumayong umiiyak na parang bata. Nagtungo sa salas upang maibulalas ang kanyang sakit sa lilim ng mga punong gumagapang sa balag na nasa balkon ni Maria Clara.

KABANATA 43 - MGA BALAK

KABANATA 42 - ANG MAG-ASAWANG DE ESPADAÑA


Nang makaraan ang kalahating oras na pag-uusap ay pakiramdaman sila at nagkamabutihan. Ang gusto sana ng babae ay isang Kastilang hindi pilay, hindi utal, hindi panot, hindi pingot, hindi natalsik ang laway kung nagsasalita at mayroong ng kaunti pang isip at mataas na katungkulan, na gaya nang sinasabi-sabi;[24] ngunit ang mga Kastilang ganito ay hindi nakitungo sa kanya kailanman upang hingin ang kanyang kamay. Hindi miminsan niyang nadinig ang sabing: ang pagkakataon ay panot kung ilarawan at inakala niyang buung-buo na si Don Tiburcio ay siya nang tunay na pagkakataon sapagkat dahil sa mga malulungkot na gabing dinanas ay nagtaglay na ng maagang pagkapanot.[25] Sinong babaeng may tatlumput dalawang taon ang hindi maingat?

KABANATA 42 - ANG MAG-ASAWANG DE ESPADAÑA

KABANATA 41 - DALAWANG DALAW


Si Ibarra ay bagabag ang isipan at hindi makatulog; kaya upang malibang at mapalayo ang malulungkot na pag-iisip na lalong lumalaki sa gabi[1] ay pumasok sa ulila niyang gabinete at hinarap ang paggawa. Inabot siya ng pagliliwanag na naghalo ng ilang gamot at inilalagay niya sa ilang putol na kawayan at iba pang bagay, na pagkatapos ay inilalagay sa mga botelyang tinatakpan ng lacre at nilalagyan ng panandang bilang.

KABANATA 41 - DALAWANG DALAW
Sa ika-sampu ng gabi, ang mga panghuling kuwitis ay marahan ng pumapaitaas sa madilim na langit at nagkikislapan doon, parang mga bagong bituin ang ilang lobong papel na pinataas sa tulong ng mainit na usok.[1] Ang ilang may mga palamuting luces ay nag-aalab at nagbabanta na maaring makasunog sa lahat ng bahay; kaya may pangkat ng mga tao na may hawak na mahahabang kawayang may basahan sa dulo at may mga timba ng tubig.[2] Ang liwanag ng paputok at luces ay namumukod sa manipis na ulap at sila ay tila mga multo na galing sa kaitaasan upang panoorin ang kasayahan ng mga tao. Maraming mga paputok sa iba’t ibang hugis ang sinisindihan tulad ng rueda, mga kastilyo, mga toro o kalabaw na may apoy at isang malaking luces sa anyong bulkan na ang liwanag na dumaig sa ganda at kalakihan sa lahat nang nakita ng mga mamamayan ng San Diego.[3]

KABANATA 40 - ANG KATWIRAN AT ANG LAKAS

KABANATA 39 - SI DONYA CONSOLACION

Isang munting ilaw ang tumatanglaw sa walang kaayusang loob ng bahay at maaninag sa maruruming kapis na kinakapitan ng agiw at kinadikitan ng alikabok. Ang señora, alinsunod sa kanyang ugali na laging walang ginagawa, ay nag-aantok sa isang mahabang upuan. Ang kagayakan niya ay gaya sa araw-araw, samakatwid, masama at napakapangit; ang tanging pinakapalamuti ay isang panyong nakatali sa ulo na nilulusutan ng manipis at maiikling buhok na gusot; ang baro ay pranelang bughaw, na ang pang-ibabaw ay isa ring barong tila noong bago ay puti, at isang sayang kumupas na naglalarawan sa mga payat at tuyong hita na nagkakapatong at ikinukuyakoy nang madalas. Sa kanyang bibig ay sunud-sunod na lumalabas ang usok na payamot na ibinubuga sa dakong natitingnan kung ibinubukas ang mata. Kung siya ay nakita nang mga sandaling iyon ni Don Francisco de Cañamaque[2] ay pinagkamalan marahil na ang babae ay isang mapaghari-harian sa bayan o mangkukulam, at hihiyasan pa marahil ang kanyang natuklas na ito ng mga opinyon sa wikang Kastilang-tindahan, na kanyang sariling likha, upang gamitin niyang mag-isa.

KABANATA 38 - ANG PRUSISYON



Ang unang santong lumitaw, nang hindi malaman kung bakit, ay si San Juan Bautista. Pagkamalas sa kanya ay masasabing ang kabantugan ng pinsan ng ating Panginoong Jesucristo ay hindi mabuti ang kalagayan sa tao; tunay nga at siya ay may mga paa at hitang dalaga at mukhang anacoreta,[8] ngunit nakalagay sa isang lumang andas na kahoy at nadidiliman siya ng ilang bata na may mga dalang parol na papel na walang ilaw, na di-nagpapahalatang nag-aaway-away.
“Sawing kapalaran!” ang bulong ng pilosopong si Tasyo na nasa daan at nanonood ng prusisyon, “walang halaga ang iyong pagiging unang tagapagbalita ng mabubuting Bagong Aral, ni ang pagkakayuko ni Jesus sa iyong harapan! Walang halaga ang malaki mong pananalig, maging ang iyong mga pagtitipid, maging ang iyong pagkamatay nang dahil sa katotohanan at iyong mga paniniwala: ang lahat ng iyan ay nililimot ng mga tao kapag walang taglay kundi ang pagiging makasarili! Mabuti pa ang bumigkas ng masasamang sermon sa mga simbahan kaysa maging matatag na tinig na nangangaral sa ilang, ito ang itinuturo sa iyo ng Pilipinas. Kung pabo sana ang iyong kinain at hindi balang, gumamit ng kasuotang sutla at hindi balat ng hayop, kung sumapi ka sa isang Corporacion…” Subalit pinigil ng matanda ang kanyang sariling pasaway sapagkat dumarating ang rebulto ni San Francisco.


KABANATA 38 - ANG PRUSISYON

KABANATA 37 - ANG KAPITAN HENERAL




Iniiling nang anyong may lugod ng Heneral ang ulo at sa isang paraang lalo pang masuyo’y nagpatuloy: “Tungkol sa pagkakasira ninyo ni Padre Damaso ay huwag kayong mangamba ni nang pagtatanim ng galit sa kanya: walang makagagalaw sa inyo samantalang ako ang namamahala sa Kapuluan; at tungkol naman sa excomunion ay bahala na akong makipag-usap sa Arsobispo, sapagkat kailangang makibagay tayo sa kalakaran: dito ay hindi natin maaring pagtawanan ang mga bagay na iyan sa harap ng madla, na gaya sa Espanya o sa makabagong Europa.[24] Gayunman, ay mag-iingat kayong mabuti sa susunod; kayo ay nakiharap sa mga Corporacion, na dahil sa kanilang katayuan sa lipunan at malaking kayamanan ay nararapat na igalang.[25] Ngunit tatangkilikin ko kayo, sapagkat ibig ko ang mabuting anak, ibig ko ang pagbibigay-dangal sa magulang; ako may inibig ko ang aking mga magulang at… hindi ko masabi kung ano ang gagawin ko kung ako ang napalagay sa inyong kalagayan kanina…”

KABANATA 37 - ANG KAPITAN HENERAL

KABANATA 36 - ANG UNANG ULAP


Si Maria Clara ay isang mapagmahal na anak at mabuting kristiyana. Hindi lamang natatakot sa excomunion, pati na ang pagkawala ng kapayapaan ng ama ay humihinging lunurin niya ang kanyang pag-ibig. Dinaramdam niya nang matindi ang damdaming iyon na hindi pa niya nararamdaman. Iyon ay minsan ay naging isang ilog na umaagos ng marahan; masasamyong bulaklak ang nakalatag sa mga gilid at ang kanyang ilalim ay mga maliliit na buhangin. Bahagya nang kulutin ng hangin ang kanyang agos; kung siya ay matatanaw ay masasabing tulog. Subalit biglang kumipot ang inaagusan, magagaspang na talampas ang humadlang sa kanyang agos, matatandang kahoy ang humalang na naging sagka, ah![16] nang magkagayon ang pumaitaas na mga bula, binundol ang mga talampas at tumalon sa kailaliman.
Ibig niyang manalangin, subalit sino ang makapananalangin sa gitna ng malaking hinagpis? Mga panalangin sa panahon ng kawalan ng pag-asa, ay tumatawag tayo sa Diyos, upang sabihin ang ating mga daing. Diyos ko! Ang sigaw ng kanyang puso. Bakit inilalayo nang ganoon na lamang ang lalaking iyon, bakit siya pagkakaitan ng pag-ibig ng kapwa? Hindi mo siya pinagkaitan ng araw, ng hangin, at hindi mo itinago sa kanya ang anyo ng langit. Bakit ipagkakait sa sa kanya ang pag-ibig, gayong maaaring mabuhay nang walang langit, walang hangin at walang araw, ngunit hindi mabubuhay nang walang pag-ibig?[17]

KABANATA 36 - ANG UNANG ULAP

KABANATA 35 - MGA USAP-USAPAN



“Ngunit mga ginoo,” ang putol ng kapitan sa bayan, “ano ang magagawa natin? Ano ang magagawa ng bayan? Mangyari na ang mangyayari ay ang prayle rin ang laging nasa katwiran!”[12]
“Laging nasa katwiran dahil lagi nating inaayunan,” sagot ni Don Filipo na may pagkayamot[13] at itinindi ang pagsasabi ng salitang “lagi.” “Bigyan naman natin kahit minsan ang ating sarili at saka tayo mag-usap.”[14]
Ang kapitan ay nagkamot ng ulo, tumingin sa bubong at sumagot nang maasim na tinig. “Ay! Ang init ng dugo. Parang hindi ninyo alam kung saang bayan tayo naroroon; hindi ninyo kilala ang ating mga kababayan. Ang mga prayle ay mayayaman at nagkakasama-sama at tayo ay hati-hati at maralita. iyan nga! Subukan ninyong ipagtanggol siya, makikita ninyong mag-iisa kayo sa kagipitan.”[15]
“Tunay,” ang bulalas ni Don Filipo na may mapait na kalooban, “iyan ang mangyayari samantalang ganyan ang pag-iisip, habang ang pagkatakot at ang pagtitimpi ay magkatulad ng kahulugan.[16] Binibigyan pa natin ng pansin ang isang kasamaang nangyayari sa sandali kaysa kabutihang sadyang kailangan;[17] agad-agad na susungaw ang katakutan at hindi ang pagtitiwala,[18] ang bawat isa ay walang iniisip kundi ang sarili, walang nakakaalaala sa iba, kayat mahina tayong lahat!”[19]
“Siya, alalahanin ninyo ang iba, bago ang inyong sarili, at makikita ninyo kung hindi kayo maiwan! Hindi ba ninyo alam iyong salawikaing Kastila, na: ang tunay na pagkahabag ay dapat magsimula sa pagkahabag sa sarili?”[20]
“Ang sabihin ninyo,” sagot na nagagalit na tinyente-mayor, “na ang tunay na karuwagan ay nagsisimula sa malabis na pagmamahal sa sarili at nagtatapos sa kahihiyan![21] Ngayon din ay ihaharap ko sa alkalde ang aking pagbibitiw sa tungkulin; suya na na ako sa kalagayang itong kakutya-kutya nang hindi naman nakagagawa ng mabuti sa kaninuman… Diyan na kayo!”

KABANATA 35 - MGA USAP-USAPAN

KABANATA 34 - ANG PANANGHALIAN


“Kung gayon, nilimot ng inyong kamahalan ang mga Musa, dahil sa pagsunod kay Themis!” ang sabing walang kapingas-pingas ng tagapagbalita.
“Pshe! Ano ang ibig ninyo? Ang marating ko ang lahat ng anyo ng pamumuhay panlipunan ang siya kong laging pangarap.[11] Kahapon ay namimitas ako ng bulaklak at ako ay umaawit, ngayon ay hawak ko ang tungkod ng katarungan at naglilingkod ako sa sangkatauhan, bukas…”
“Bukas ay itatapon ng inyong kamahalan sa apoy ang tungkod upang makapagpainit sa taglamig nang buhay, at ang makakuha ng pagtatalaga sa pagka-ministro sa gabinete,” ang dugtong ni Padre Sybila.
“Psh! Siya nga…hindi… ang maging opisyal ng gabinete ay hindi siya kong ambisyon: kahit na sinong nagsisimula ay nagiging ministro. Isang villa sa Hilaga upang mapagbakasyunan sa tag-init, isang tahanan sa Madrid at ilang pag-aari sa Andalucia na madadayo sa tag-ginaw… doon mabuhay na inaalala itong minamahal na Pilipinas. Sa akin ay hindi masasabi ni Voltaire ang salitang Nakikisama tayo sa mga taong ito, upang tayo ay yumaman, at saka pagkatapos, sila ay paratangan.[12]

KABANATA 34 - ANG PANANGHALIAN

KABANATA 33 - MALAYANG KAISIPAN


“Hindi ako nagsasabi ng malabo, tinitiyak kong malinaw ang aking sinasabi. Upang kayo ay maligtas ay kailangang akalain ng inyong mga kalaban na kayo’y hindi handa.”
Si Ibarra ay napaurong. “Ang aking mga kalaban? Mayroon akong kalaban?”
“Lahat tayo ay may kalaban, mula sa pinakamaliit na kulisap hanggang sa tao, mula sa pinaka-mahirap o maging ang lalong mayaman at makapangyarihan! Ang tunggalian ay batas ng buhay!”
Tahimik na napatingin si Ibarra kay Elias. “Kayo ay hindi piloto, ni hindi taga-bukid…”

KABANATA 33 - MALAYANG KAISIPAN

KABANATA 32 - ANG KALO


“Marahil, balang araw, kapag ang gusaling ito na ngayon ay sinisimulan, ay gawa na, at sa pagdating ng panahon dahil sa katandaan, pagkatapos dumaan ang maraming kasawian ay bumagsak at magkadurug-durog dahil sa hampas ng Kalikasan o sa mapanirang kamay ng tao, at sa ibabaw ng mga labi/ruin ay tumubo ang mga lumot at damo; pagkatapos, kapag pinawi na nang panahon ang damo, ang lumot at ang mga labi at ikalat ng hangin ang kanyang mga abo at malimutan na sa mga pahina ng Kasaysayan ang alaala tungkol sa kanya at sa mga taong sa kanya ay gumawa, na matagal nang nalimot ng tao; marahil, kapag ang mga lipi ay nangalibing na at nawala na kasama ng balat/crust ng lupa, ay mailalabas sa loob ng bato ang mga lihim at talinhaga, kung matamaan ng panghukay ng isang minero ang bato, dahil sa hindi sinasadyang pagkakataon.

KABANATA 32 - ANG KALO

KABANATA 31 - ANG SERMON


Nagsimulang magsermon si Padre Damaso sa pamamagitan ng madalang at marahan boses na nagpapahayag ng: “At ibinigay mo sa kanila ang iyong mabuting espiritu upang magturo sa kanila, at hindi mo inalis ang iyong mana sa kanilang bibig at binigyan mo sila ng tubig sa kanilang pagkauhaw!” “Mga salitang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng bibig ni Esdras, aklat II, Kabanata IX, salaysay 20.”[1] Tuminging pahanga si Padre Sibyla sa predicador;[2] si Padre Manuel Martin ay namutla at lumunok ng laway: iyon ay higit kaysa kanyang binigkas.[3] Maging sa ang gayon ay napuna ni Padre Damaso o kaya’y sa dahilang namamalat pa nga ay umubo nang makailan at ang mga kamay ay ipinatong sa babahan ng banal pulpito. Ang Espiritu Santo ay nasa kanyang ulunan at bagong pinta pa lamang: maputi, malinis, at mapula ang mga paa at tuka. “Marilag na ginoo (sa alkalde), lubhang mababait na mga pari, mga Kristiyano, mga kapatid kay Jesucristo!” Dito ay huminto nang matagal, muling inilibot ang tingin sa mga nakikinig na nakamatyag at pagkawalang-imik ay ikinasiya ng kanyang kalooban.

KABANATA 31 - ANG SERMON

KABANATA 30 - SA SIMBAHAN


Sa magkabilang dulo ay puno ng mga tao ang kamalig na tinatawag ng mga tao na “Bahay ng Lumalang sa lahat ng nilikha.” Nagtutulakan, nagkakasiksikan, makakarinig ng maraming aray ang kakaunting papalabas at ang maraming papasok. Malayo pa ay iniuunat na ang bisig upang basain ng agua bendita ang mga daliri, datapwa’t darating na walang anu-ano ang isang bugso ng mga tao at napapalayo ang kamay: kung magkagayon ay naririnig ang isang ungol. Isang babaeng napagtapakan ay nagmumura, subalit patuloy pa rin ang tulakan. Ang ilang matandang nakasawsaw ng daliri sa tubig na iyon, na kulay-burak na, na pinaghinawan ng buong bayan, bukod pa sa mga dayo, ay nagpapahid ng buong pananampalataya ng tubig na iyon, kahiman lubhang mahirap, sa kanyang batok, tuktok, noo, ilong, baba, at sa pusod, na taglay ang pananalig na sa gayong paraan ay nalilinis sa kasalanan ang lahat ng dakong tinuran at hindi siya magkakasakit ng torticollis (sakit na rayuma sa batok, sa leeg, sa likod o sa balikat), ni sakit ng ulo, ni pagkatuyo, ni di-pagkatunaw ng kinain. Ang mga kabinataan, marahil ay sapagka’t di-lubhang masasaktin o kaya ay dahil sa di-naniniwala sa banal na lunas na iyon, ay bahagya nang basain ang dulo ng daliri (upang walang masabi ang mapanata) at kunwari’y isasayad ang noo, ngunit gaya ng mahihinala ay hindi ito idinidikit. “Banal na tubig nga, at sabihin na ang masasabi,” ang marahil ay iniisip ng ilang binibini, “nguni’t may kulay na!”

KABANATA 30 - SA SIMBAHAN

KABANATA 29 - KINAUMAGAHAN

Puno na ng mga tao ang patyo ng simbahan: mga babae at lalake, bata at matanda, na nakabihis ng kanilang pinakamainam na kasuotanay magkakahalong labas-masok sa makipot na pinto. Nangangamoy ang pulbura, bulaklak, kamanyang, pabango; ang mga bomba, kuwitis at buscapies ay dahilan sa kakatakutan ay napapatakbo at napapasigaw ang mga babae, at nagpapatawa sa mga bata. Isang banda ng musiko ang tumutugtog sa tapat ng kumbento, ang isa naman ay naghahatid sa mga maykapangyarihan sa bayan, ang ilan ay lumilibot sa mga lansangan na kinalalaylayan at niwawagaywayan ng mga banderitas. Liwanag at matitingkad na kulay ang nakalilito sa mata, tugtugan at dagundong sa tainga. Ang mga kampana ay walang tigil sa pag-ripeke; salu-salubong ang mga karwahe at kalesa, ang mga kabayo ay minsan ay nagugulat, nangagdadambahan, sumisipang nakatayo ang mga unahang paa, bagay na kahit wala sa palatuntunan ng kapistahan ay nagiging isang libreng panoorin at isa na lalong kahanga-hanga.

KABANATA 29 - KINAUMAGAHAN

KABANATA 28 - SULATAN



“Kami ay nanood ng itinanghal, kilala na ninyo ang ating mga artistang sina Ratia, Carvajal at Fernandez, kami lamang ang nakabatid ng kanilang mga kainamang kumilos sapagkat ang mga hindi ilustrado ay walang alam kahit na maliit sa gayon. Sina Chananay at Balbino ay mabuti kahit na namamalat nang kaunti: itong isa ay nakabitiw ng isang pagpiyok subalit sa kabuuan at pagsisikap ay kahanga-hanga. Ang mga Indio, lalung-lalo na ang kapitan sa bayan ay nalugod na mabuti sa komedyang Tagalog: ang kapitan ay nagkukuyumos ng dalawang kamay at ang sabi sa amin ay sayang daw at hindi pinalaban ang prinsesa sa higanteng umagaw sa kanya, bagay na sa kanyang akala ay lalo pang naging kahanga-hanga sana, at lalo pa kung ang higante ay hindi sana tinatalaban kundi sa pusod lamang, gaya ng isang nagngangalang Ferragus na sinasabi sa kasaysayan ng Doce Pares.[11] Ang kagalang-galang na si Pray Damaso, dala ang kagandahang-loob na kanyang ikinatatangi ay sumasang-ayon sa kapitan at ang dugtong pa ay kung nangyari sana ang gayon ay bahala nang humanap ang prinsesa ng paraan upang makita ang pusod ng higante at bigyan sa lugar na iyon ng pamatay.”


KABANATA 28 - SULATAN

KABANATA 27 - PAGTATAKIPSILIM


Maging sa bahay ni Kapitan Tiyago ay malaki rin ang ginawang paghahanda. Kilala ang may-ari ng bahay sa kanyang pagiging pagkamarangya at sa pagmamalaki, dahil sa siya ay taga-Maynila ay dapat niyang mahigitan sa karingalan ang mga probinsiya. At may isa pang sanhing pumipilit sa kanyang higitan ang iba; kasama niya ang kanyang anak na si Maria Clara, at naroroon ang kanyang mamanugangin na siyang paksa ng usapan ng lahat.
At tunay nga: ang isa sa mga lalong iginagalang na pahayagan sa Maynila ay naglalathala ng isang patungkol sa kanya, sa unang mukha, na ang pamagat ay Huwaran ninyo siya! na pinag-ukulan siya ng parangal at pinaglaanan ng ilang papuri. Pinanganlan siyang bihasang binata at mayamang mamumuhunan; sa ikatlong talata naman ay ang dakilang pilantropo; sa susunod na salaysay ay “ang nag-aaral kay Minerva na tumungo sa Inang-Bayan upang batiin ang tunay na lupain ng mga arte at ciencia, at sa ibaba pa nang kaunti ang Kastilang Pilipino,[2] atbp. Si Kapitan Tiyago ay nagkaroon ng labis na mabuting hangad na makapantay doon at iniisip nang siya man ay dapat ding magtayo ng isang kumbento sa sarili niyang gastos.

KABANATA 27 - PAGTATAKIPSILIM

KABANATA 26 - ANG BISPIRAS NG PISTA


Sa mga lansangan, may mumunting patlang na may mga nakatayong maiinam na arkong kawayan na iba’t iba ang pagkakagawa, na nalilibiran ng kaluskos, na sa pagkakita sa kanila ay nagpapasaya sa puso ng mga bata. Sa paligid ng patio ng simbahan naroroon ang malaki at mamahaling tolda, na ang tukod ay mga kawayan, upang madaanan ng prusisyon. Sa ilalim ng toldang ito ay naglalaro ang mga bata, nagtatakbuhan, nag-aakyatan sa kawayan, naglulundagan at napupunit ang mga bagong baro na dapat sanang isuot sa araw ng pista. Sa liwasan itinayo ang ang tanghalang kawayan, pawid at kahoy: doon magtatanghal ng kahanga-hanga ang kompanya ng Tundo at makikipag-agawan sa mga diyos sa kababalaghang walang katotohanan; doon aawit at magsasayaw sina Marianito, Chananay, Balbino, Ratia, Carvajal, Yeyeng, Liceria, atbp. Ang mga Pilipino ay mahilig sa mga dulaan at malugod na nanonood ng mga dula: tahimik na nakikig sa mga awit, humahanga sa sayaw at kilos, hindi sumisipol, ngunit hindi rin naman pumapalakpak

KABANATA 26 - ANG BISPIRAS NG PISTA

KABANATA 25 - SA BAHAY NG PILOSOPO


“Dahilan sa hindi ko inilalaan sa ating mga kapanahon ang aking sinusulat kundi sa ibang panahong darating. Kung mababasa ng ating mga kapanahon ang aking mga sinusulat ay marahil susunugin ang aking mga aklat, ang aking hinarap na gawain sa buong buhay; samantalang sa isang dako, ang henerasyon na makakaalam sa kahulugan ng mga titik na ito ay pawang matatalino, mauunawaan nila ang ibig kong kong ipaalam at masasabi nilang: ‘Hindi ang lahat ay nakatulog sa kapanahunan ng ating mga ninuno.’ Ang lihim o ang mga di-karaniwang titik na ito ay siyang nakapagliligtas sa aking gawa sa kamangmangan ng tao, gaya rin naman ng pangyayaring ang lihim at mga kung anu-anong mga paraan ay siyang nakapagligtas sa maraming katotohanan sa mapanirang kamay ng mga kaparian.

KABANATA 25 - SA BAHAY NG PILOSOPO

ELIAS AT SALOME


“Kung yaon” ang wika sa kaniya ni Salome at siya ay tinitigan ng boong paggiliw. “Kahit man lamang pagkatapos kong umalis, ay manirahan ka rito, mamuhay ka sa kubong ito! Sa ganito ako ay magugunita mo at buhat sa malalayong lupaing iyon ay hindi ko iisipin na ang aking kubo ay tinangay ng buhawi tungo sa dagat, Kung ang aking sipan ay bumalik sa baybaying ito, ang iyong alaala at ang aking tahanan ay magkasabay na malalantad sa akin. Matulog ka rito kung saan ako natulog at nangarap… sa gayon ay para na rin akong nabubuhay na kasama mo, katulad ng ako ay nasa iyong piling…”
“O!” ang bulalas ni Elias na ipinaspas ang mga bisig sa kawalan ng pag-asa. “Babae, ginagawa mong ako ay makalimot.” Kumislap ang kaniyang mga mata, subalit ito ay saglit lamang.

ELIAS AT SALOME

KABANATA 24 - SA KAGUBATAN

Minamasdang mulat na mulat at walang tinag ng paring Acteon ang mahinhing Diyanang iyon; ang kanyang mga mata ay kumikinang sa maiitim na bilog na hindi nagsasawang tumingin sa mapuputi at mabibilog na bisig na iyon, sa magandang leeg na kasama ang bungad ng dibdib; ang mga maliliit at mamula-mulang paa ay nagbibigay sa kanyang abang katawan ng mga di-kilalang damdamin at nakapagbibigay-pangarap sa kanyang kumukulong utak ng mga bagong imahinasyon.

Sa likod ng isang liko ng ilog na puno ng makapal na kawayanan ay nawala ang mga maririkit na katawang iyon at hindi na naririnig ang kanilang mahahapding banggit. Lito, pasura-sury at pawisan na umalis si Padre Salvi sa kanyang pinagtataguan at tumatana-tanaw, na ang mata ay paikot-ikot, sa kanyang paligid. Huminto, nag-alinlangan; humakbang ng ilang hakbang na parang nais pang sundan ang mga dalaga, subalit bumalik at dumaan sa mga tabi ng ilog at hinanap ang kinaroronan ng karamihan.

KABANATA 24 - SA KAGUBATAN

KABANATA 23 - ANG PANGINGISDA

Sa dahilang ang tubig ay lubhang tahimik, ang mga baklad ay hindi lubhang nalalayo, at lubha pang maaga, ay pinagkasunduang iwan muna ang pagsagwan at ang lahat ay mag-agahan. Pinatay ang ilaw ng mga parol sapagkat ang bukang-liwayway ay nagpapaliwanag na sa kapaligiran.
“Walang katulad ang salabat kung iinumin sa umaga bago magsimba!” ang sabi ni Kapitana Tika na ina ng masayang si Sinang; uminom ka ng salabat na kasama ng puto, Albino, at makikita mo, maiisipan mong muling magdasal.”
“Iyon nga ang ginawa ko,” ang sagot ni Albino, “naiisip ko na ngang mangumpisal.”
“Huwag!” sabi ni Sinang, “uminom kayo ng kape sapagkat nagbibigay ng masasayang kaisipan.”
“Ngayon din, sapagkat nalulungkot ako ng kaunti.”
“Huwag iyan!” paalaala sa kanya ni Tia Isabel, “uminom kayo ng tsa at kumain ng galyetas; sinasabing ang tsa ay nagpapatiwasay sa pag-iisip.”
“Iinom po ako ng tsa na may galyetas!” sagot ng masunuring magpapari; “salamat na lamang at alinman sa mga iinuming ito ay hindi ang Katolisismo.
“Pero magagawa mo ba …? ang tanong ni Victoria.
Alin ang uminom pa ng sikulate? Aba, opo! Huwag sanang magtatagal ang tanghalian.”

KABANATA 23 - ANG PANGINGISDA

KABANATA 22 - LIWANAG AT KADILIMAN


Ang kanilang mga labi ay bumubulong ng mga salitang masarap pa kaysa lagaslas ng mga dahon at mahalimuyak pa kaysa hangin na may dalang bangong buhat sa halamanan. Iyon ang mga sandaling sinasamantala ng mga sirena sa lawa, ang dilim ng matuling pagtatakip-silim upang idungaw sa ibabaw ng mga alon ang kanilang mumunting ulo upang hangaan at batiin ng kanilang awit, ang paglubog ng araw. Sinasabing ang kanilang mga buhok at mga mata ay bughaw, may koronang dahon ng mga halamang tubig na may bulaklak na pula’t puti; sinasabing paminsan-minsan ay inilalantad ng maputing foam ang kanilang parang mga nililok na katawan, na maputi pa kaysa bula, at kung ganap ng kumalat ang gabi ay sinisimulan nila ang kanilang mga nakawiwiling laro/divinos juegos at nagpapadinig sila ng mahihiwagang taginting na katulad ng tunog ng alpa; sinasabi rin…


Kabanata 22 - Liwanag at Kadiliman

KABANATA 21 - KASAYSAYAN NG ISANG INA


Nagtatakbo si Sisa patungo sa kanyang bahay, na taglay ang pagkalito na nangyayari sa tao kapag nasa gitna ng isang kasawian at walang sukat lumingap sa atin at tinatakasan tayo ng pag-asa. Kapag nangyayari ang gayon ay parang nagdidilim ang lahat ng bagay sa paligid natin, at kung makakita tayo ng isang munting ilaw na nagniningning sa malayo ay tumatakbo tayong patungo sa kanya, siya ay ating hinahabol nang di pinupuna kung sa gitna ng daan ay may isang bangin. Nais na iligtas ng ina ang kanyang mga anak, ngunit paano? Ang mga ina ay hindi nagtatanong ng pamamaraan kapag ang ang kanilang mga anak ay nasa panganib.


Kabanata 21 - Kasaysayan ng Isang Ina

KABANATA 20 - PULONG SA TRIBUNAL


“Lubhang madali!” sagot ng binata. “May dala ako ritong dalawang dula, na tiyak na aariing mabuti at mainam ng tumpak na pang-unawa ng mga kagalang-galang na matatandang nagkakatipon dito. Ang pangalan ng isa’y ‘Ang paghahalal ng Kapitan sa Bayan,’ ito ay isang komedyang tuluyan na may limang yugto, na sinulat ng isa sa mga kaharap. Ang isa naman ay may siyam na yugto, dulang kababalaghan at may kaayusang satiriko, na sinulat ng isa sa mga mahuhusay na makata ng lalawigan at ang pamagat ay ‘Mariang Makiling.’ Sa pagkakakita naming magiging mabagal ang pagtatalo tungkol sa paghahanda ng pista, at sa takot na kapusin sa panahon, ay lihim naming hinanap ang aming mga taong magsisilabas at pinapag-aral namin ng kani-kanilang mga gagampanan. Inaantay naming ang isang linggong pagsasanay ay sapat na upang kanilang magampanang mabuti ang kani-kanilang tungkulin. Ang bagay na ito, mga ginoo, bukod sa bago, makabuluhan at karapat-dapat ay may isa pang kabutihan, ang di-pangangailangan ng malaking gugulin: hindi tayo mangangailangan ng mga kagayakan, magagamit ang mga kasuutan natin; ang mga karaniwang gamit.”

Kabanata 20 - Pulong sa Tribunal

KABANATA 19 - ANG MGA PAKIKIPAGSAPALARAN NG ISANG GURO


Naniniwala ako na hindi maaring makapag-isip kung kaharap ang palmeta o ang mga disciplina; ang pagkatakot at pagkasindak ay nakalilito sa lalong malamig na loob, dahilan sa ang pag-iisip ng bata dahil sa lubhang mabilis ay siyang lalong maramdamin. At sa dahilang upang matala sa utak ang mga bagay-bagay ay kailangan ang paghahari ng kapayapaan, sa loob at sa labas, magtaglay ng kaliwanagan ng pag-iisip, katiwasayan ng katawan at ng pagkukuro, at mabuting kalooban, ay inakala kong ang unang nararapat gawing ay ang tiyakin na ang bata ay magkaroon ng pagtitiwala, pananalig at pagpapahalaga sa sarili. Nalaman ko rin na ang pagpapakita ng pamamalo sa araw-araw ay puma patay sa damdaming pagkahabag ng puso, at pumapawi sa lagablab ng karangalan, na panimbangan ng mundo, at sabay sa pagkapawing iyon ay napapawi rin naman ang kahihiyan na mahirap nang maibalik.

Kabanata 19 - Ang Mga Pakikipagsapalaran ng Isang Guro

KABANATA 18 MGA KALULUWANG NASA PARUSA



“Ako na ang bahalang mag-alis sa sarili ko doon,” ang sagot ni Manong Pedro nang buong tiwala sa loob. “Napakaraming kaluluwa ang nakuha ko sa apoy! Napakaraming santo ang nagawa ko! At saka ang isa pa, kahit nasa bingit na ako ng kamatayan ay maaari pang magtamo ako, kung aking iibigin, ng hindi bababa sa pitong plenarya, at maaari pa akong makapagligtas sa iba, samantalang ako’y naghihingalo!” At matapos masabi ito ay lumayong nagmamalaki.


Kabanata 18 - Mga Kaluluwang Nasa Parusa

KABANATA 17 - BASILIO



Si Crispin ay nanginginig at ang luhaang mata ay palinga-linga sa lahat ng sulok na parang may hinahanap na tao o mapagtataguan. Hinarap siya ng kura at galit na galit na siya ay siniyasat at sumagitsit ang yantok. Ang bata ay nagtatakbong nagtago sa likuran ng sakristan, subalit sinunggaban siya nito, hinawakan at inialay para sa galit ng kura: ang kahabag-habag na bata ay pumipiglas, nagtatatarang, nagsisisigaw, nasubsob sa sahig, gumulong, bumangon, nagtatakbo, nadulas, nalugmok at sinasangga ng bisig ang mga palo, na kung masaktan ay umuungol na ikinakanlong agad. Nakikita ni Basilio ang kanyang pag-aalumpihit, ipinapalo ang ulo sa sahig, nakikita at naririnig ang haging ng yantok. Nang ang kanyang kapatid ay wala nang malamang gawin ay bumangon; nang baliw na sa sakit ay sinalakay ang mga berdugo at kinagat sa kamay ang kura. Ito ay napasigaw, nabitiwan ang yantok, binigyan ng saksritang mayor ng isang palo sa ulo at ang bata ay nalugmok na walang diwa; nang makita ng kura na siya ay nasugatan ay pinagtatadyakan ang bata, ngunit ito ay hindi na nagtatanggol, hindi na sumisigaw; gumugulong sa lupa na parang tiniban na nag-iwan sa madaanan ng isang basang bakas…

Kabanata 17 - Basilio: Ang Buhay ay Pangarap

KABANATA 16 - SI SISA

Si Sisa ay hindi mapamahiin, ngunit sa dahilang marami siyang naririnig tungkol sa mga guni-guni at mga asong itim ay pinasok ang kaniyang kalooban ng malaking pagkatakot. Ang gabi ay nakaaakay na manalig sa mga gayong pamahiin at ang isipan ay nagkakalat sa hangin ng mga sari-saring larawan. Tinangkang magdasal, tawagan ang Birhen, ang Diyos, upang ingatan ang kanyang mga anak, lalung-lalo na si Crispin. Ngunit dahilan sa pag-iisip sa mga anak ay hindi napunang nalimutan niya ang pagdarasal, iniisip ang mga anyo ng bawat isa, ang mga anyong iyon na laging nangakangiti sa kanya, maging sa pagtulog o sa pagpupuyat. Subalit biglang nanindig ang kanyang mga buhok at napadilat ng labis at pamangha, ang kanyang mga mata; malikmata o katotohanan, nakita niya si Crispin na nakatayo sa tabi ng kalanan, sa palaging inuupuan kung sila ay nag-uusap. Ngayon ay walang imik; tinititigan siya nang malalaking matang mapagnilay at nakangiti.

Kabanata 16 - Si Sisa

KABANATA 15 - ANG MGA SAKRISTAN


Ang ugong ng mga ang kidlat ay sunod-sunod at maikli ang pagitan, na una munang makikita ang nakakagulat, nakakabulag at liku-likong liwanag ng kidlat: Sinasabing isinusulat ng Diyos ang Kanyang pangalan sa pamamagitan ng apoy at ang bubungan ng langit ay umid na nanginginig. Ang ulan ay bumabagsak na parang ibinubuhos, at ang hagupit ng umuugong na hangin, at nag-iiba-iba ang direksiyon, na parang sinasabayan ang malungkot na panalangin ng kampana, at sandaling patlang ay sumisingit ang ugong ng pag-ungal ng unos, na katulad sa magkasabay na sigaw ng hinagpis, at ng isang tahimik na hibik ng isang nanambitan na tumatangis.

Kabanata 15 - Ang Mga Sakristan