“Ang pamahalaan ay katulad ng isang masamang manggagamot, ginoo, walang hinahanap kundi ang lunasan at gamutin ang mga sintomas, ngunit hindi naman sinisiyasat ang pinagmumulan ng sakit, o kung alam man niya ang dahilan ay natatakot na ito ay labanan. Ang guwardiya sibil ay itinatag lamang sa layunin na sugpuin ang kasamaan sa pamamagitan ng pananakot at lakas, ngunit ang layunin ng pagtatayo nito ay hindi naman nangyayari at kung may nagagawa ay nagkakataon lamang.[15] At dapat malaman na ang mga guwardiya sibil ay walang napagbubuntunan ng sisi kundi ang mga taong bayan lamang, kapag sila ay binigyan ng mga kailangan sa ikaaayos ng kanilang ugali. Sa ating bayan, sa dahilang walang matatawag na partidong pampulitika, dahilan sa hindi nagkakaisa ang bayan at ang pamahalaan.[16] Sa ganito, ang pamahalaan ay nararapat na maging mapagpaumanhin, hindi lamang dahilan sa ito ang nararapat niyang gawin, kundi sa dahilang ang mga mamayan, na kulang sa kanyang pagkalinga at pinababayaan, ay walang pananagutan dahil nga sa hindi sila tumanggap ng malaking liwanag, Saka ang isa pa, sang-ayon sa inyong halimbawa, ang panlunas na inyong iminumungkahi sa sakit ng bayan ay tunay na hindi mabisa, walang nagagamot kundi ang mga parte ng katawan na hindi naman apektado ng karamdaman na pinahihina at iniaaboy sa kasamaan. Hindi kaya lalong makatwiran na pabagsikin ang gamot sa parte ng katawan na tunay na may sakit at bawasan ng kaunti ang bagsik sa dakong wala namang karamdaman?”
KABANATA 49-ANG TINIG NG MGA PINAG-UUSIG
KABANATA 49-ANG TINIG NG MGA PINAG-UUSIG