Sa mataas na bahagi ng dalisdis ng isang bundok, sa tabi ng isang batis na inaagusan ng malakas na tubig, ay nakatago sa mga punung-kahoy ang isang kubo, na balu-baluktot na sanga ang gamit na kahoy. Sa ibabaw ng bubungang kugon ay malagong gumagapang ang kalabasa, na maraming bunga at bulaklak; ang palamuti nito ay mga sungay ng usa, mga bungo ng baboy-damo na ang ilan ay may mahahabang pangil. Doon nakatira ang isang mag-anak na Tagalog na ang ikinabubuhay ay ang pangangaso at pangangahoy.[1] Sa lilim ng isang puno ay ang lolo ay gumagawa ng walis mula mga gulugod ng dahon ng niyog, habang ang isang dalaga ay naglalagay sa isang buslo ng mga itlog, dayap at gulay. Dalawang bata, ang isa ay babae at ang isa naman ay lalake ang naglalaro sa tabi ng isa pang batang lalake na maputla, malungkot, malalaki ang mga mata at malalim kung tumitig, na nakaupo sa isang nakabuwal na puno. Sa kanyang kaanyuang payat ay makikilala natin ang anak ni Sisa, si Basilio, na kapatid ni Crispin.
“Kapag gumaling na ang paa mo,” ang sabi sa kanya ng batang babae, “ay maglaro tayo ng piku-piko, taguan, ako ang taya.”
“Papanhik kang kasama namin sa itaas ng bundok,” ang dugtong ng batang lalake, “iinom ka ng dugo ng usa na pinigaan ng katas ng dayap at tataba ka, at kung magaling ka na ay tuturuan kita ng pagtalon sa mga bato sa batisan.”
Malungkot na napangiti si Basilio, pinagmasdan ang sugat sa kanyang paa, at pagkatapos ay itinataas ang mata sa araw na kumikinang nang buong ningning.
KABANATA 63 - ANG NOCHE BUENA
Malungkot na napangiti si Basilio, pinagmasdan ang sugat sa kanyang paa, at pagkatapos ay itinataas ang mata sa araw na kumikinang nang buong ningning.
KABANATA 63 - ANG NOCHE BUENA
pwede humingi ng picture
ReplyDelete