KABANATA 62 - NAGPALIWANAG SI PADRE DAMASO

Walang naging kabuluhan ang ang nakalagay sa ibabaw ng isang mesa na mga magagandang regalong pangkasal, maging ang mga brilyanteng nasa kanilang mga lagayan na yari sa tersiyopelong kulay bughaw, naging ang mga pinyang may burda, maging ang mga piraso ng sutla ay hindi nakaaakit sa paningin ni Maria Clara. Tinitingnan ng dalaga, na hindi naman nakikita ni binabasa, ang pahayagang nagbabalita ng pagkamatay ni Ibarra na nalunod sa lawa. Biglang naramdaman niya na ang dalawang kamay na tumakip sa kanyang mga mata, pumigil sa kanya, at isang masayang tinig ni Padre Damaso ang tumatanong sa kanya ng: “Sino ako? Sino ako?”

Si Maria Clara ay napatalon sa kinauupan at tinitigan na may malaking pagkatakot ang pari.[1]

“Ulol! Natatakot ka ba? Hindi mo ba ako hinihintay? Galing pa ako sa probinsiya upang dumalo sa iyong kasal.”

At lumapit na nakangiti nang buong lugod at iniabot ang kamay upang hagkan ng binibini. Si Maria Clara ay nanginginig na lumapit at buong galang na inilapit ang kamay sa kanyang mga labi. “Ano ang nangyayari sa iyo Maria?” ang tanong ng Pransiskano na nawalan ng masayang ngiti at nakaramdam ng pangangamba, “malamig ang kamay mo, at ikaw ay namumutla… may sakit ka ba, anak ko?” Nilapitan siya nang buong suyo ni Padre Damaso, suyong hindi iisipin na kanyang tinataglay, hinawakan ang dalawang kamay ng dalaga at ito ay tinanong sa pamamagitan ng tingin.


KABANATA 62 - NAGPALIWANAG SI PADRE DAMASO

3 comments: