
“Iyon nga ang ginawa ko,” ang sagot ni Albino, “naiisip ko na ngang mangumpisal.”
“Huwag!” sabi ni Sinang, “uminom kayo ng kape sapagkat nagbibigay ng masasayang kaisipan.”
“Ngayon din, sapagkat nalulungkot ako ng kaunti.”
“Huwag iyan!” paalaala sa kanya ni Tia Isabel, “uminom kayo ng tsa at kumain ng galyetas; sinasabing ang tsa ay nagpapatiwasay sa pag-iisip.”
“Iinom po ako ng tsa na may galyetas!” sagot ng masunuring magpapari; “salamat na lamang at alinman sa mga iinuming ito ay hindi ang Katolisismo.”
“Pero magagawa mo ba …? ang tanong ni Victoria.
“Alin ang uminom pa ng sikulate? Aba, opo! Huwag sanang magtatagal ang tanghalian.”
KABANATA 23 - ANG PANGINGISDA
No comments:
Post a Comment