Upang maipagpatuloy ang paggalang sa hapon ng kabanalan ng Linggo sa Pilipinas, karaniwan nang pumaparoon ang mga tao sa sabungan,[1] ito ay katulad din naman nang pagparoon ng mga tao sa laruan ng toro sa Espanya. Ang sabong, isang bisyo na ipinasok sa lupaing ito at pinagkakakitaan na nang mahaba panahon, isa ito sa mga kinahumalingan ng bayan, na higit pa kaysa pagkasugapa sa apyan ng mga Insik;[2] doon pumupunta ang maralita upang ipagbakasakali ang kaunting perang dala sa pagnanasang kumita ng malaking salapi nang hindi binabatak ang buto;[3] doon tumutungo ang mayaman upang maglibang, na itinataya ang salaping lumabis sa mga pista at pamisa de gracia; nguni’t sadyang kanila ang salaping ipinupusta, ang manok ay alagang-alaga, marahil ay higit pa kaysa pag-aalaga sa isang anak na siyang hahalili sa ama sa pagparoon sa sabungan,[4] at sa bagay na ito’y wala kaming masasabi.
No comments:
Post a Comment