KABANATA 2 - CRISOSTOMO IBARRA  video-book


Ang kabanatang ito ay pagpapakilala sa pangunahing tauhan sa nobela.

Mauunawaan mo kung saan kinuha ni Rizal ang pangalan at apelyido ni Ibarra at ang kaniyang pangunahing interaksiyon sa iba pang mga tauhan na pagagalawin ni Rizal sa buong nobela.


CLICK-KABANATA 2





kabanata 1 - Isang Pagtitipon

kasalukuyan po naming kini convert ang pdf file ng Noli Me Tangere Deciphered patungo sa video-book.

subaybayan po na lamang ninyo



Noli Me Tangere - Video Book 
Kabanata 1 A 

Paliwanag sa historikal na kaligiran at kahulugan ng mga simbolohikal na pangungusap.
Mula sa umpisa ng Kabanata 1 hanggang sa bahay ni Kapitan Tiyago 


Paki-Click po para sa Video

Noli Me Tangere - Video Book 
Kabanata 1 B

Paliwanag sa historikal na kaligiran at kahulugan ng mga simbolohikal na pangungusap

SA LOOB NG BAHAY NI KAPITAN TIYAGO

CLICK - KABANATA 1B


Noli Me Tangere - Video Book 
Kabanata 1C

Pagpapakilala sa limang mga unang tauhan ng Noli Me Tangere kasama ang mga historikal na kaligiran at kahulugan ng mga simbolohikal na pangungusap.


CLICK- KABANATA 1C


Noli Me Tangere - Video Book 
Kabanata 1D

Unang bahagi ng talakayan ni Padre Damaso at ng binatang may mapulang buhok. Sa bahaging ito nagpalabas si Rizal ng kaniyang paraan ng NAKAKATUWANG PAGSULAT sa pamamagitan ng satirikal na paraan.

CLICK - KABANATA 1D

Noli Me Tangere - Video Book 
Kabanata 1E

Unang bahagi ng talakayan ni Padre Damaso at ng binatang may mapulang buhok. Sa bahaging ito nagpalabas si Rizal ng ISANG PAGBUBUNYAG NA HINDI PINAPANSIN ng mga sinaunang pag-aaral ng nobela.

MAYROONG MGA NILALAMAN NG HINDI DAPAT MABASA NG MGA MENOR DE EDAD.


CLICK - KABANATA 1E


Noli Me Tangere - Video Book 
Kabanata 1F

Huling bahagi ng paliwanagan sa Kabanata 1 ng Noli Me Tangere.

CLICK-KABANATA 1F




MGA SIMBOLISMO SA PABALAT NG NOLI ME TANGERE

Nagsisimula na po kami na ilipat ang pag-aaral sa Noli Me Tangere sa pamamagitab ng youtube
Nakikiusap po na mag-subscribe sa aming Channel para sa update na aming ginagawa.


PINDUTIN PO PARA SA VIDEO

KATAPUSAN



Marami pa ang nabubuhay sa mga tao ng salaysay na ito, at dahil sa nawala sa aming paningin ang iba, ay imposible na makagawa ng isang tunay na katapusan. Sa kagalingan ng mga taong-bayan ay malugod naming pagpapapatayin ang lahat ng taong nabanggit dito; sisimulan kay Padre Salvi at tatapusin kay Donya Victorina, ngunit imposibleng mangyayari ang gayon… mabuhay sila! Dahil kami rin naman, at ang bayan ang siyang magpapakain sa kanila…

KATAPUSAN

KABANATA 63 - ANG NOCHE BUENA

Sa mataas na bahagi ng dalisdis ng isang bundok, sa tabi ng isang batis na inaagusan ng malakas na tubig, ay nakatago sa mga punung-kahoy ang isang kubo, na balu-baluktot na sanga ang gamit na kahoy. Sa ibabaw ng bubungang kugon ay malagong gumagapang ang kalabasa, na maraming bunga at bulaklak; ang palamuti nito ay mga sungay ng usa, mga bungo ng baboy-damo na ang ilan ay may mahahabang pangil. Doon nakatira ang isang mag-anak na Tagalog na ang ikinabubuhay ay ang pangangaso at pangangahoy.[1] Sa lilim ng isang puno ay ang lolo ay gumagawa ng walis mula mga gulugod ng dahon ng niyog, habang ang isang dalaga ay naglalagay sa isang buslo ng mga itlog, dayap at gulay. Dalawang bata, ang isa ay babae at ang isa naman ay lalake ang naglalaro sa tabi ng isa pang batang lalake na maputla, malungkot, malalaki ang mga mata at malalim kung tumitig, na nakaupo sa isang nakabuwal na puno. Sa kanyang kaanyuang payat ay makikilala natin ang anak ni Sisa, si Basilio, na kapatid ni Crispin.

“Kapag gumaling na ang paa mo,” ang sabi sa kanya ng batang babae, “ay maglaro tayo ng piku-piko, taguan, ako ang taya.”

“Papanhik kang kasama namin sa itaas ng bundok,” ang dugtong ng batang lalake, “iinom ka ng dugo ng usa na pinigaan ng katas ng dayap at tataba ka, at kung magaling ka na ay tuturuan kita ng pagtalon sa mga bato sa batisan.”

Malungkot na napangiti si Basilio, pinagmasdan ang sugat sa kanyang paa, at pagkatapos ay itinataas ang mata sa araw na kumikinang nang buong ningning.

KABANATA 63 - ANG NOCHE BUENA

KABANATA 62 - NAGPALIWANAG SI PADRE DAMASO

Walang naging kabuluhan ang ang nakalagay sa ibabaw ng isang mesa na mga magagandang regalong pangkasal, maging ang mga brilyanteng nasa kanilang mga lagayan na yari sa tersiyopelong kulay bughaw, naging ang mga pinyang may burda, maging ang mga piraso ng sutla ay hindi nakaaakit sa paningin ni Maria Clara. Tinitingnan ng dalaga, na hindi naman nakikita ni binabasa, ang pahayagang nagbabalita ng pagkamatay ni Ibarra na nalunod sa lawa. Biglang naramdaman niya na ang dalawang kamay na tumakip sa kanyang mga mata, pumigil sa kanya, at isang masayang tinig ni Padre Damaso ang tumatanong sa kanya ng: “Sino ako? Sino ako?”

Si Maria Clara ay napatalon sa kinauupan at tinitigan na may malaking pagkatakot ang pari.[1]

“Ulol! Natatakot ka ba? Hindi mo ba ako hinihintay? Galing pa ako sa probinsiya upang dumalo sa iyong kasal.”

At lumapit na nakangiti nang buong lugod at iniabot ang kamay upang hagkan ng binibini. Si Maria Clara ay nanginginig na lumapit at buong galang na inilapit ang kamay sa kanyang mga labi. “Ano ang nangyayari sa iyo Maria?” ang tanong ng Pransiskano na nawalan ng masayang ngiti at nakaramdam ng pangangamba, “malamig ang kamay mo, at ikaw ay namumutla… may sakit ka ba, anak ko?” Nilapitan siya nang buong suyo ni Padre Damaso, suyong hindi iisipin na kanyang tinataglay, hinawakan ang dalawang kamay ng dalaga at ito ay tinanong sa pamamagitan ng tingin.


KABANATA 62 - NAGPALIWANAG SI PADRE DAMASO